Home Headlines 2 Chinese tiklo sa ilegal na pagawaan ng computer, TV

2 Chinese tiklo sa ilegal na pagawaan ng computer, TV

760
0
SHARE

Si OMB chairman Christian Natividad habang iniinspeksyon ang ilan sa mga nakumpiskang telebisyon sa walang permit na warehouse. Kuha ni Rommel Ramos



GUIGUINTO, Bulacan — Arestado ang dalawang Chinese national
nang salakayin ng Optical Media Board ang isang warehouse sa Barangay Tabe na nag-aassemble ng smuggled computer at television na may storage device.

Ang dalawang Chinese ay kinilalang sina Quan Xi Gua at Huang Yingjie. Kasama din sa iimbestigahan ang Pinay na si Joy Aligada na secretarya sa warehouse.

Ayon kay OMB chairman Christian Natividad, walang lisensya sa kanilang tanggapan ang Ecom Electronics Reconditioning System na pagmamay-ari ng isang Tsino na nagngangalang Thomas na kasalukuyang nasa bansang China ngunit sa mga business permit nakapangalan ito kay Jocelyn Casimiro na aniya ay isang dummy lamang.

Dito aniya binubuo ang mga computers at mga television na may nakalagay na storage device at ang mga pyesa ay mula naman sa bansang Korea.

Ipinaliwanag ni Natividad na kung ang isang electronics gaya ng television ay may feature na storage device ay kinakailangang may lisensya o permit ito mula sa kanilang tanggapan.

Aniya, sakop ng OMB ang mga electronics na may storage devices na makapag-save ng mga informationmga larawan at videos.

Tinatayang aabot sa P100 million ang halaga ng mga storage devices at electronic parts ang nakumpiska.

Ayon naman kay Joy Aligado, ang alam niyang pangalan ng may-ari ay Thomas na nasa China habang ang dalawang Chinese na kasama niya ay ang mga nagmamanage ng pagawaan.

Hindi niya rin daw niya kilala si Jocelyn Casimiro na nakapangalan sa business permit mula sa munisipyo at barangay.

Depensa naman ng mga naarestong Chinese may working visa sila at nasa tinutuluyan nila ito sa Pasay City.

Samantalang tutugisin rin ng OMB ang nangngangalang Jocelyn Casimiro upang matukoy nila kung sino talaga ang namamay-ari ng pagawaan.

Sa ngayon ay ikinandado na ng OMB ang nasabing pagawaan matapos kumpiskahin ang mga ilegal na electronic gadgets bilang ebidensya aa isasampang kaukulang kaso laban sa mga suspek na pansamantalang ikokostodiya ng OMB.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here