Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Aktibong kaso umabot na sa 3,429

Covid-19 sa Bataan: Aktibong kaso umabot na sa 3,429

785
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 3,429 ang bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease sa Bataan noong Martes, ulat ng provincial health office ngayong Miyerkules.

Nananatiling pinakamarami ang aktibong kaso sa Mariveles na 1,205, na sinundan ng Balanga City – 507, Limay – 365, Dinalupihan – 359, Orion – 249, Samal – 135, Orani – 119, Bagac – 118, Abucay – 112, Pilar –103, Hermosa – 98, at Morong – 59.

Ang buong Bataan ay napailalim sa modified enhanced community quarantine, maliban sa Mariveles na MECQ with heightened restrictions, mula Agosto 23 – 31, 2021.

Umakyat sa 18,175 ang mga nagpositibo sa Covid–19 matapos magtala ng 266 bagong kumpirmadong kaso samantalang tumaas sa 648 ang bilang ng mga namatay nang madagdagan ito ng anim na bagong nasawi.

May 97 bagong nakarekober kaya 14,098 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nakakatakot na sakit.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula Mariveles (61), Balanga City (57), Dinalupihan (38), Samal (28), Abucay (24), Bagac (13), Morong (13), Orion (10), Limay (8), Pilar (7), Orani (6), at Hermosa (1).

Kabilang sa mga bagong pumanaw ang 75-anyos na babae at 48-anyos na lalaki sa Abucay, 66-anyos na lalaki at 81-anyos na babae sa Morong, 74-anyos na babae sa Dinalupihan, at 15-anyos na babae sa Limay.

Ang mga bagong nakarekober ay mula sa Balanga City – 19, Dinalupihan –16, Abucay – 13, Bagac – 11,  Mariveles – 10, Orani – 8, Samal – 8, Pilar – 5, Limay – 4, at Orion – 3.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here