LUNGSOD NG BALANGA — Umakyat sa 247 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos magpositibo sa mapanganib na virus ang pitong pasyente, sabi ng provincial health office sa huling ulat nito ngayong Biyernes.
Lima sa pitong bagong kaso ng Covid–19 ay mga overseas Filipino workers na kinabibilangan ng isang 32-anyos, 34-anyos, at 31-anyos na pawang mga lalaki mula sa Limay; 37-anyos at 47-anyos na parehong lalaki mula sa Orion.
Ang dalawang iba pa ay parehong lalaki rin mula sa Mariveles na 60-anyos at 34-anyos.
Tumaas sa 69 ang bilang ng mga aktibong kaso ng Covid–19 dahil sa pitong bagong nagpositibo.
Sa kabuuan, nananatiling 168 ang nakarekober na at 10 ang pumanaw na.
Ayon sa PHO, may 5,352 indibidual na ang na–test sa Covid- 19 sa lalawigan na ang 4,898 ay napatunayang negatibo na. May 207 pa umanong naghihintay ng resulta ng pagsusuri.
Nanawagan ang PHO na panatilihin ang mga safety protocol upang hindi na kumalat ang virus.