Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 3 panibagong patay, 79 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 3 panibagong patay, 79 bagong kaso

777
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Sabado na may nadagdag na tatlong patay dahil sa coronavirus disease samantalang patuloy ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso sa Bataan na ang bilang ay lumobo na sa 1,453 matapos magtala ng bagong 79.

Ang mga bagong pumanaw ay isang 78-anyos na babae at 55-anyos na lalaki na parehong mula sa Mariveles aisang 59-anyos na babae mula sa Pilar kaya ang bilang ng mga nasawi sa Covid19 sa lalawigan ay 24 na.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso, umabot na sa 647 ang bilang ng mga aktibong kaso.  

Batay sa ulat ng provincial health office, lumabas sa contact tracing na 50 sa 79 na kaso ay nagkaroon ng close contact o nahawa sa mga nauna nang nagpositibo sa virus.

Dalawampu’t isa sa mga ito ay mula sa Mariveles, 14 sa Limay, pito sa Orion, lima sa Balanga City, dalawa sa Dinalupihan, at isa mula sa Orani.

Nagpositibo rin ang 16 na mga in-patient sa ospital sa lalawigan na 15 mula sa Mariveles at isa mula sa Abucay. Limang health workers ang nagpositibo rin na ang apat ay mula sa Mariveles at ang isa sa Balanga City.

Ang iba pang bagong kumpirmadong kaso ay apat sa Mariveles, tatlo sa Limay, at isa mula sa Dinalupihan.

Umabot naman sa 782 ang nakarekober na nang magtala ng bagong gumaling na 41 na kinabibilangan ng 22 sa Mariveles, walo sa Balanga City, tig-lilima sa Dinalupihan at Limay, at isa sa Orion.

Sa 16,741 na sumailalim sa Covid-19 test, 14,958 ang nagnegatibo na at 330 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here