Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 3 bata sa 18 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 3 bata sa 18 bagong kaso

271
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Sa ulat ng provincial health office Huwebes ng gabi, umakyat na sa 541 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan dahil may 18 nadagdag sa listahan, kabilang ang tatlong bata at apat na kabataan.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes na ang tatlong batang bagong apektado ng virus ay isangtaonggulang na lalaki, 2-anyos na babae, at 5-anyos na lalaki, lahat mula sa Mariveles.

May apat naman aniyang mga kabataan ang napabilang din sa mga bagong kaso. Sila ay isang 16-anyos at 17-anyos na parehong babae at 14-anyos na lalaki, lahat mula sa Mariveles, at 15-anyos na lalaki mula sa Abucay.

Ang tatlong bata at apat na kabataan ay kabilang sa 17 bagong kumpirmadong kaso na nahawa sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19, sabi ng governor. Kabilang sa 17 ay anim mula sa Mariveles, tatlo mula sa Abucay, at isa mula sa Orion.

Isa pa sa mga bagong nagpositibo ay ang 72-anyos na babae mula sa Dinalupihan na isang in-patient sa isang ospital sa Bataan.

Ang bilang naman ng mga nakarekober ay tumaas sa 335 dahil sa 15 bagong gumaling sa virus. Ang mga ito ay lima sa Samal, tig-tatlo sa Dinalupihan at Pilar, dalawa sa Abucay, at tig-isa sa Mariveles at Orani.

Ang aktibong mga kaso ay 191 habang nananatiling 15 ang nasawi na.

Mula sa 9,872 na kabuuang bilang ng mga sumailalim sa pagsusuri sa Covid-19, 9,105 ang nagnegatibo na at 226 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here