Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 3 bata kabilang sa 65 bagong gumaling

Covid-19 sa Bataan: 3 bata kabilang sa 65 bagong gumaling

598
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules na tatlong bata ang kabilang sa 65 pasyente na bagong nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan kaya umakyat na sa 1,597 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Ang tatlong bata mula sa bayan ng Pilar ay isang tatlong taong gulang, apat na taong gulang, at 11-anyos na pawang lalaki.

Kasama sila sa mga bagong gumaling na 44 mula sa Mariveles, tig-lilima sa Balanga City, Orion at Pilar, tatlo sa Limay, dalawa sa Dinalupihan, at isa mula sa Abucay.

May 11 namang bagong kumpirmadong kaso ng Covid19 na umakyat na sa kabuuang 2,260 na ang 561 ay aktibong kaso o mga pasyenteng hindi pa gumagaling. Ang mga pumanaw na ay 37.

Ang mga bagong kaso ay apat mula sa Mariveles, tatlo sa Dinalupihan, dalawa sa Limay, at tig-iisa sa Orion at Pilar.

Sa 21,468 na na sumailalim sa Covid19 test, 18,888 ang nagnegatibo na habang 320 pa ang naghihintay ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here