Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 1 pumanaw, 3 gumaling

Covid-19 sa Bataan: 1 pumanaw, 3 gumaling

558
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa ang pumanaw at tatlo, kabilang ang isang sanggol,  ang gumaling sa coronavirus disease sa Bataan, batay sa ulat ng provincial health office Sabado ng gabi.

Ang nasawi  ay isang 50-taonggulang na lalaki mula sa bayan ng Dinalupihan na umano’y na-swab noong ika-27 ng Mayo at positibo sa virus.

Sa pagkamatay ng lalaki, umabot na sa siyam ang pumanaw at 151 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid19 sa lalawigan.

Kabilang naman ang isang sanggol na lalaking 17 araw ang gulang mula sa Mariveles sa tatlong bagong naka-rekober sa mapanganib na sakit kaya umakyat sa 137 ang bilang ng mga gumaling na.

Ang dalawang iba pa ay isang 35-anyos na healthworker mula sa lungsod na ito at isang 34-anyos na babae mula sa Morong.

Naghihintay ng resulta ng laboratory exam sa virus ang 225 indibidual,  samantalang 2,217 naman ang nag-negatibo na sa 2,593 na sumailalim na sa Covid19 test.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here