LUNGSOD NG OLONGAPO – Walang naitalang bagong kaso ng Covid-19 nitong Lunes sa lungsod na ito, samantalang isa naman ang naka-recover, ayon sa ulat ni Mayor Rolen Paulino, Jr., chairman ng local inter-agency task force.
Ayon pa rin kay Paulino, ang kabuuang bilang ng confirmed cases ay umabot na sa 1,025; ang recovered ay 959; ang active cases ay 26; ang mga pumanaw na ay 40; ang suspect cases ay apat; at isa ang probable case.
Samantala, sa Zambales ay umabot na sa bilang na 755 ang confirmed cases matapos madagdag sa talaan ang tatlong bagong kaso nitong Martes.
Batay sa ulat ng Zambales Provincial Health Office, ang mga nagpositibo ay isang 63-anyos na babae mula sa Zone 3, Iba; 57-anyos na babae mula sa Barangay Garreta, Palauig; at isang 48-anyos na lalaki mula sa Barangay Del Pilar, Castillejos.
Sa kabuuang bilang, 719 ang recovered,17 ang namatay, 18 ang active cases, 44 ang suspect cases, at 29 ang pending cases.