(Karugtong ng sinundang isyu)
Sa bisa ng ‘watch list order’ ni De Lima
Na ipinalabas ng tanggapan niya,
At kung saan pinagmukha nitong tanga
Ang dating ‘first couple’ sa harap Media
Na animo si Mam ay kriminal na nga
Sa kung anong aksyon na pinag-gagawa
At ‘undiplomatic’ nitong pagsawata
Para mapigil ang paglabas sa bansa.
At ang isa pang lubhang kapansin-pansin
Ay kung bakit parang wala lang sa ating
Mahal na Pangulo itong pangyayaring
Animo ay pasapawan d’yan ng galing
Ng ‘judiciary’ at nitong ‘executive’
Hinggil sa isyu kung itong ‘court of justice’
O ang kay De Lima ang dapat manaig
Base sa ‘ting nakikita’t naririnig.
At kahit ‘premature’ itong De Lima
Na ginawang aksyon laban kay Mam Gloria,
Dala nitong di pa siya nakapagsampa
Ng anumang kaso ay hinaras na niya
Ang huli, ay isang napakaliwanag
Na ‘blatant ignorance’ sa Saligang Batas
Ng una, kung kaya matinding paglabag
Sa ‘rule of law’ itong namayani’t sukat.
Upang pati ang karapatang pantao
Ni CGMA ay kanyang inabuso,
Kung saan posibleng damay ang Pangulo
Sa puntong si De Lima’y Kalihim nito.
Pagkat ‘under command responsibility’
Ay pananagutan niya ang Secretary
Sa anumang kapalpakang mangyayari
At posibleng maging ‘lapses’ nito pati.
Sa pagtupad nito ng kanyang tungkulin
Bilang isang ika nga ay masunuring
Galamay, (kundi man sipsip na Kalihim)
Kung kaya animo ay tigre ang dating
At gilas ng ngayon ay kasalukuyang
Secretary of Justce ng Malakanyang,
(Na naging chairperson noon ng CHR
Nang presidente si Gloria Macapagal;
Pero si De Lima ngayon ang No. 1,
Kung paglabag din lang ang pag-uusapan
Ngayong ang dating ‘chief executive’ ang siyang
Parang namaltrato sa puntong naturan).
Balikan natin ang lubhang panggigipit
Kay CGMA ng Department of Justice,
Na sa ganang amin di dapat manaig
Ang sa huli kundi ang sa ‘Court of Justice’
Pagkat ano’t “Supreme” itong matatawag
Kung ang “Supremacy” nito’y walang sapat
Na kapangyarihan sa ngalan ng batas
Upang ang utos ang dapat ipatupad?
Laban sa alin mang sangay ng gobyerno
Pati na rin ang tanggapan ng Pangulo,
Na ngayon ay tila dinedma ng husto
Ng DOJ ang ng Malakanyang mismo.
Kung saan bunsod n’yan maaring manganib
Ang ‘rule of law’ kapag itong ‘Executive’
Ang sa kautusan nitong ‘Court of Justice’
Ang di sumunod at posibleng balakid.
Sa target ni P-noy na daang matuwid
Na maaring mahirapan niyang makamit
Dala na rin ng ‘Constitutional Crisis’
Na posibleng sumiklab anumang saglit!!!