Community outbreak, idineklara sa Jaen, NE

    431
    0
    SHARE
    JAEN, Nueva Ecija – Malayang nagagawa ng mga mamamayan ng Barangay Hilera dito ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain sa kabila ng deklarasyon ng “community outbreak” dahil sa paglobo ng mga apektado ng Influenza A(H1N1) virus na nagsimula sa isang pampublikong paaralan.

    Ayon kina Dr. Milgrace santos, rural health officer, at Mayor Santiago Austria, walang epekto sa pagkilos ng mga residente ang naturang deklarasyon.

    Ang deklarasyon ng community outbreak ay ginawa ng Department of Health (DOH) matapos makitaan ng sintomas ng A(H1N1) virus ang 92 residente na nakahalubilo ng 11 estudyante na nag-positibo sa nasabing virus.

    Walang katumbas na pag-quarantine sa barangay ang community outbreak, ani Santos.

    Gayunman, pinpayauhan ng mga opsiyal ang mga residente na maging mapagpamtyag sa sintomas ng virus infection at mabilis na pagkonsulta sa mga duktor at health workers na nakatalaga sa itinatag na command post sa Hilera Elementary School.

    Kaugnay nito, hiniling ni Austria sa Sangguniang Bayan (SB) ang deklarasyon ng state of calamity para sa epektibong paggamit ng calamity funds ng bayan.

    Sinabi ni Austria na buo ang suporta ng pamahalaang bayan sa ginagawang hakbang ng DOH upang matigil ang paglaganap ng A(H1N1) sa mga apektadong barangay.

    Bukod sa Barangay Hilera, inoobserbahan na rin ng DOH ang kalusugan ng mga tao sa mga kalapit na barangay ng Inulang Putik, Pakul, at Lambakin.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here