Home Opinion ‘Comelec rules must be amended’

‘Comelec rules must be amended’

707
0
SHARE

ILAN ba talaga itong kwenta pinal
na pasado para sila mapabilang
sa tatakbo para sa pampanguluhan
mula sa mahigit nubenta’y siete riyan;

Na nagsumite ng kanilang C.O.C.
sa Comelec, na kung saan ang marami
ni sa pang-lokal ay malayong mangyari
na maigapang ang kanilang sarili.

Para makasama  at di maging ‘nuisance
candidate’ na hindi nila makayanang
ang sarili’y maipangampanya mang lang,
sanhi ng kapos sa lahat na ng bagay.

Di sa panghahamak – gaya  halimbawa
ng isang barbero, isang mangingisda,
lider magsasaka, mandarul ng sakla,
sasali? – ni singkong duling di makapa?

At itong Comelec,  papayagan basta
makapag-sumite  ng C.O.C. nila
nang ni hindi man lang n’yan inuusisa
ang kakayahan na makapangampanya?

Millions ang kailangan at di barya lamang
ang kakailanganin ng kahit sino r’yan
upang ang pagtakbo sa pampanguluhan
makaya, lalo ng independyente lang.

Kaya marapat lang sa ating Comelec
ang maging masuri at di agad-agad
kinokonsiderang ang dumulog sukat
para magsumite ng C.O.C., tanggap.

Gaya nang halos ay mga isang daan
na nakapag- ‘file’ nga ng ‘candidacy’ niyan,
di ba’t pagkatapos ay idineklarang
‘Nuisance candidate’ lang itong karamihan?

Sa puntong naturan  ay Comelec itong
marapat sisihin sa di pagsusulong
ng tamang reporma sa ‘code’ ng eleksyon
kaya’t tuwing halalan ay palaging gan’on.

Kaya naman itong ang gusto lang yata
mapanood  sila sa TV ng madla,
sukdang ito’y dapat nilang ikahiya,
pero hindi pa rin nila alintana?

At ang isang bagay na dapat isusog
ng Comelec sa ‘rules’ nyan at mga ‘by laws’
gaya ng ‘provided that one can read and writes’
may file a C.O.C. should now be abolished’.

Kaya nga sa puntong ito pati na riyan
itong kagaya nga ng ating tinuran,
matitigil na ang kahit sino na lang
pupuedeng mag-‘file’  ng C.O.C., kabayan!

Sana, ang Comelec mabigyan ng pansin
ang maraming  bagay na dapat baguhin,
gaya nitong sino pa mang may usapin
sila’y di marapat pahintulutan din.

Tulad ni De Lima, na nasa kulungan
at iba pang kahit nakabilanggo riyan,
nagagawa pa rin nilang makisawsaw
sa usaping bayan – di na papayagan.

Baguhin na dapat ang alituntunin
ng Comelec at ang nararapat gawin
ay ang naaayon sa ikagagaling
ng lahat na’t ating dapat tangkilikin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here