Home Uncategorized Comelec exec binisita ang ilang presinto

Comelec exec binisita ang ilang presinto

645
0
SHARE
Si Comelec commissioner Atty. Aimee Ferolino (kaliwa) habang inoobserbahan ang express lane ng mga senior citizen, PWD at mga buntis sa Mapulang Lupa, Pandi. Kuha ni Rommel Ramos

STA. MARIA, Bulacan — Binisita ni Commission on Elections commissioner Atty. Aimee Ferolino ang ilang presinto sa lalawigan ngayong araw ng botohan sa barangay at sangguniang kabataan at plebesito ng San Jose Del Monte bilang highly urbanized city.

Pinuntahan ni Ferolino para obserbahan ang pagboto sa Sta. Maria BJMP, Mapulang Lupa Elementary School sa Pandi, at San Mateo Elementary School sa Norzagaray.

Ani Ferolino, maayos naman ang daloy ng botohan at wala siyang nakitang aberya sa halalan sa nasabing mga lugar.

Paliwanag niya na tatlo ang balota sa Bulacan na ang una ay sa barangay, ang ikalawa ay para sa SK at ang huli ay ang Yes or No sa plebesito ng HUC ng San Jose Del Monte.

Bukod dito ay marami pa daw na iikutan na presinto si Ferolino at plano niya na bisitahin din ang gagawing canvassing ng plebesito ngayong gabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here