Pagkat saan nga ba nila mababawi
Ang nagastos nilang limpak na salapi
Kundi sa magiging puesto kung sakali
Nitong kung sinumang palaring magwagi?
Kasi nga, kahit na dalawampung taon
Ang bubunuhin sa magiging posisyon
(Lalo nitong ilan sa Presidentiables,)
Ay di kikita ng kahit “thirty millions!”
Sapagkat ang sueldo ng isang Pangulo
Ay wala pang Isang Daang Libong Piso –
Para sa isang buwan kaya’t papaano
Nito maibabalik ang ginastos nito?
O maging sinumang gagasta ng higit
Sa nasasaad sa utos ng Comelec,
Kundi sa ika nga ay “monkey business”
Kung saan posibleng dodoble ang kabig!
Kaya kung talagang gustong makatulong
Sa bayan, ang sinumang gustong humabol,
Ba’t di na lang nila pamigay ang bilyons
Na nilulustay n’yan kaysa tinatapon?
Sa kung anu-anong “political gimmick,”
Na nakasasawa na sa ‘ting pandinig;
Gaya ng TV Ads na paulit-ulit
At mga posters na kung saan nagsabit.
Na alam nang bawal ng nakararami
Pero bale wala nga lamang parati,
Pagkat ang marapat na magbantay pati
Sa bagay na yan ay tila walang silbi.
Matatandaang sinabi kamakailan
Ni Ferrer, na isa sa Commissioners diyan,
Na di raw kasama yata sa “functions” niyan
Ang kumastigo sa bagay na naturan?
Liban na lamang na daw kung may magreklamo
Laban sa kung sino pa mang kandidato;
(Ng “electioneering” o anumang kaso)
Kaya lang posibleng makialam umano?
Sa madaling sabi, kung walang magsumbong
Ay di pala nila gagawan ng aksyon
Ang anumang bagay na di naa-ayon
Sa batas mismo ng naturang komisyon?
Anong silbi ng Omnibus Election Code
Kung di pala nito makastigong lubos
Ang mga lalabag sa pinag-uutos
Ng batas, kung wala ng ibang kikilos?
O aabalahin ang sarili nila
Upang sa Comelec ay kusang magsampa
Ng “electioneering,” para ietse-puwera
O ma-“disqualify” ang kandidatura,
Ng kung sinong pulitikong labis-labis
Ang kanyang pag-gasta o gawaing lihis
Sa “Fair Election Act,” na napakalimit
Suwayin lalo na ng mga ma-atik!
Na nagtatapon ng perang sandamakmak
Sa paulit-ulit na nilang TV Ads,
Kaysa itulong na lang sa mahihirap
Sa paraang legal at di naghahangad
Ng kapalit gaya ng paghingi nila
Ng ating boto at lubos na suporta,
Pero kapag sila ay nakapuesto na
Limot na ng lahat, ang pangako nila!
Ang nagastos nilang limpak na salapi
Kundi sa magiging puesto kung sakali
Nitong kung sinumang palaring magwagi?
Kasi nga, kahit na dalawampung taon
Ang bubunuhin sa magiging posisyon
(Lalo nitong ilan sa Presidentiables,)
Ay di kikita ng kahit “thirty millions!”
Sapagkat ang sueldo ng isang Pangulo
Ay wala pang Isang Daang Libong Piso –
Para sa isang buwan kaya’t papaano
Nito maibabalik ang ginastos nito?
O maging sinumang gagasta ng higit
Sa nasasaad sa utos ng Comelec,
Kundi sa ika nga ay “monkey business”
Kung saan posibleng dodoble ang kabig!
Kaya kung talagang gustong makatulong
Sa bayan, ang sinumang gustong humabol,
Ba’t di na lang nila pamigay ang bilyons
Na nilulustay n’yan kaysa tinatapon?
Sa kung anu-anong “political gimmick,”
Na nakasasawa na sa ‘ting pandinig;
Gaya ng TV Ads na paulit-ulit
At mga posters na kung saan nagsabit.
Na alam nang bawal ng nakararami
Pero bale wala nga lamang parati,
Pagkat ang marapat na magbantay pati
Sa bagay na yan ay tila walang silbi.
Matatandaang sinabi kamakailan
Ni Ferrer, na isa sa Commissioners diyan,
Na di raw kasama yata sa “functions” niyan
Ang kumastigo sa bagay na naturan?
Liban na lamang na daw kung may magreklamo
Laban sa kung sino pa mang kandidato;
(Ng “electioneering” o anumang kaso)
Kaya lang posibleng makialam umano?
Sa madaling sabi, kung walang magsumbong
Ay di pala nila gagawan ng aksyon
Ang anumang bagay na di naa-ayon
Sa batas mismo ng naturang komisyon?
Anong silbi ng Omnibus Election Code
Kung di pala nito makastigong lubos
Ang mga lalabag sa pinag-uutos
Ng batas, kung wala ng ibang kikilos?
O aabalahin ang sarili nila
Upang sa Comelec ay kusang magsampa
Ng “electioneering,” para ietse-puwera
O ma-“disqualify” ang kandidatura,
Ng kung sinong pulitikong labis-labis
Ang kanyang pag-gasta o gawaing lihis
Sa “Fair Election Act,” na napakalimit
Suwayin lalo na ng mga ma-atik!
Na nagtatapon ng perang sandamakmak
Sa paulit-ulit na nilang TV Ads,
Kaysa itulong na lang sa mahihirap
Sa paraang legal at di naghahangad
Ng kapalit gaya ng paghingi nila
Ng ating boto at lubos na suporta,
Pero kapag sila ay nakapuesto na
Limot na ng lahat, ang pangako nila!