Coco Martin tutulong sa mga paboritong politiko

    407
    0
    SHARE

    Ang daming katanungang nasagot ni Coco Martin sa solo presscon niya for Juan dela Cruz last Tuesday night.

    Actually, napabilib niya ang entertainment press dahil  very sincere at very open ang mga sagot niya.

    May sagot siya sa lahat ng tanong kahit pa pagdating sa economy, politics, personal life at maging sa kanyang bagong teleserye.

    Natanong nga rin siya sa choices niyang kandidato ngayong 2013 elections at nakakatuwang may sarili na siyang desisyon tungkol dito.

    Coco mentioned several names na susuportahan niya sila Aga Muhlach, Richard Gomez, ang asawa ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo, Sonny Angara at Grace Poe-Llamanzares.

    Ayon kay Coco, bata pa lang siya ay napapanood  at nasusubaybayan na niya si Aga.

    “Sa totoo lang, sikat siya at tumutulong siya sa tao, hindi niya kailangang i-announce. Tumutulong siya kasi gusto niya lang makatulong," say ni Coco.

    "Ako, ganoon din ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko kailangang ipangalandakan na tumutulong ako sa kapwa ko, tumulong ako dahil gusto ko. At ’yun ang nakita ko sa kanya, isa sa mga katangian niya," dagdag pa ng aktor.

    As we all know, Aga is running for congressman sa fourth district ng Camarines Sur at ayon kay Coco, last year, nagpunta siya sa CamSur at hindi pa nga raw niya kilala or nami-meet si Aga nu’n although ang kapatid nitong si Arlene Muhlach ay nakasama niya sa seryeng Walang Hanggan.

    Si Arlene raw ang nagsabi kay Aga na gusto siyang tulungan ni Coco sa kampanya na ikinagulat nga raw ng aktor.

    Sambit daw ni Aga, “Ano ang mayroon ako at biglang nagpasabi si Coco na gusto niyang pumunta at sumuporta?”

    Well, ngayon, nasagot na ang katanungan ni Aga.

    Dagdag pa ng aktor, "Ngayon, pupunta ako ng Ormoc dahil gusto kong tulungan si Kuya Goma.

    Pupunta ako ng Davao dahil gusto kong tulungan si Kuya Anton Lagdameo at gusto kong tulungan si Tita Susan, gusto kong tulungan si Ate Grace. Kasi ’yun ’yung mga taong nakikita ko na parang alam ko, ’yun ’yung tama.”

    Ang nagustuhan daw niya sa senatoriable na si Sonny Angara ay ang pagiging concerned nito sa matatanda.

    As we all know, laking-lola si Coco kaya naman hindi kataka-takang malapit sa puso niya ang mga lolo at lola.

    "May mga taong tumutulong sa akin, kapag nagcha-charity ako, eh, may mga taong tumutulong sa akin at naniniwala, bukod sa mga ini-endorse ko na product.

    “Kung ako ang tatanungin niyo ngayon, isa lang po ang napupusuan ko na pakiramdam ko ay pareho kaming pananaw sa buhay — si Kuya Sonny Angara po kasi unang-una concerned siya sa matatanda.

    “Laki po ako sa lola. Saludo ako sa kanya at napagtutuunan niya ’yon ng atensyon at panahon.

    “Pangalawa, ’yung pag-aaral. Sa bawat Filipino, importante na mayroon kang panimula. Siyempre, ’yung edukasyon ang puhunan natin kahit anong pagsubok ang dumating. Kumbaga, ’yung alituntunin niya sa buhay, pareho kami ng pananaw,” pahayag pa ni Coco.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here