Coco Martin sunudsunuran kay direk

    375
    0
    SHARE
    TINITIYAK ni Direk Henry Quitain, creative head at direktor ng ABS-CBN na magugustuhan ng mga tao ang pelikulang You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga.

    Narinig namin siyang nagkukuwento about the movie dahil napanood na niya ito in advance at aliw na aliw daw siya sa pelikula. Maganda rin daw ito at bilib siya sa chemistry nina Coco at Toni na first time lang nagsama sa pelikula.

    Hanga din si Direk Henry sa husay ng direktor ng You’re My Boss na si Antoinette Jadaone na siya ring nagdirek ng blockbuster movie nina Angelica Panganiban at JM de Guzman na That Thing Called Tadhana.

    Nang makausap namin si Direk Antoinette recently, inamin niyang hindi isang “hugot movie” ang You’re My Boss. Konti lang daw ang mga hugot lines dito.

    “I’m sure mag-i-enjoy sila sa pelikula kasi iba naman ito do’n sa huli kong ginawa. Magugustuhan nila ang characters nina Coco at Toni. Kakaibang Coco rin ang mapapanood dito ng tao,” sey pa ng direktor.

    Aminado naman si Coco na nahirapan siyang gumawa ng romcom movie na katulad ng You’re My Boss pero sobrang na-challenge daw siya rito kaya ipinaubaya niya ang lahat kay Direk Antoinette.

    “Lahat ng sinabi sa akin ni Direk, ginagawa ko, sinusunod ko dahil alam ko naman para yon sa ikagaganda ng pelikula namin. Si Toni kasi, sanay na siyang mag-romcom, eh, kaya wala nang effort sa kanya. Kumbaga, sa akin ’yung pressure.

    Pero masaya naman ako sa mga naririnig kong feedback,” pahayag naman ni Coco.

    Bago mag-Holy Week, kung saan-saang mall nagpunta sina Toni at Coco para i-promote ang pelikula na showing na sa Sabado (April 4).

    Napakasipag ng dalawang mag-promote at wish namin na maging monster hit talaga ang pelikula.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here