‘City College muna bago sports complex’

    610
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG ANGELES – Mula sa P600 milyon na inutang ng nakaraang administrasyon para sa pagpapagawa sana ng sports complex, ginagamit ngayon ang perang ito sa pagpapatayo ng City College of Angeles.

    Ang natitirang pondo naman ay gagamitin sa pagpapaunlad ng pampublikong ospital.

    Sa kanyang State of the City Address, sinabi ni Mayor Edgardo Pamintuan na maraming mga kabataan na Angeleño ang makakapagaral sa kolehiyo dahil sa mababang tuition fee na ipapataw ng City College.

    “Kung P30,000 hanggang P40,000 bawat semester ang ibinabayad sa mga pribadong mga paaralan, aabot lamang sa P6,000 hanggang P10,000 ang kanilang babayaran na tuition,” ani Pamintuan.

    Sinabi din ng alkalde na noon pa niya pinangarap ang pagkakaroon ng isang city college dahil ito umano ang solusyon upang makapagaral ang mga mahihirap ngunit may pagnanasang makatapos ng kolehiyo.

    Iniulat din niya na dinagdagan din ng lungsod ng P1 milyon ang P4 milyong pondo para sa mga iskolar sa taong ito. Magiging P6.5 milyon pa umano ito sa susunod na taon.

    Iginiit din ni Pamintuan na kahit walang sports complex, umangat sa 5th overall ang lungsod mula sa 10th place sa nakaraang Central Luzon Regional Athletic Association o CLRAA na pinangunahan ng mga atletang Angeleño.

    Nakakuha ng 58 gold medals, 53 silvers at 25 bronze medals ang lungsod kung saan madaming mga atletang Angeleño ang nakipaglaban sa Palarong Pambansa. Ito aniya ay dahil narin sa kasipagan ni Rosever Pascua, ang namumuno ngayon sa ACSO.

    “Basta seryosong pinagtutuunan ng pansin ang ating kabataan, gumaganda po ang ating record sa mga sports activities na sinasalihan ng mga kabataan at atletang Angeleño,” ani Pamintuan na dumalo kasama ang si Vice Mayor Vicky Vega Cabigting sa pagbubukas ng CLRAA meet sa Bulacan Sports Complex noong Pebrero.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here