Home Headlines Christmas lighting ceremony sa Hermosa, dinagsa

Christmas lighting ceremony sa Hermosa, dinagsa

408
0
SHARE

HERMOSA, Bataan: Dagsa ang maraming tao na sumaksi sa simpling Christmas lighting ceremony ng municipal hall, plaza, kalsada at simbahang Katoliko  sa bayang ito  nitong Huwebes.

Nakadagdag sa sigla  ng nagsisiksikang mga tao ang pag-awit ng sikat na singer na si Angeline Quinto.

Pinangunahan ni Mayor Jopet Inton ang lighting ceremony kasama ang kanyang maybahay na si Lawyer Anne Inton, chairperson ng Hermosa municipal tourism council; Vice Mayor Patrick Rellosa at mga kasapi ng sangguniang bayan ganoon din ni provincial Board member Tony Roman. 

Nabalot ng nagnining-ning na liwanag mula sa mga puting Christmas lights ang municipal hall, plaza at paligid na napapalamutian ng mga parol. Naghanay sa kalsada ang maraming tila arko na may nakasabit ding mga parol.

Ang harapan ng matandang Hermosa Church ay lalong naging kaakit-akit  dahil sa Christmas lights at disenyo nitong mga parol. 

Pinilahan naman ng maraming tao ang libreng bibingka at puto bumbong na kaloob ng Hermosa municipal government.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here