Chito Alcid versus Annabele Rama lalong umiinit

    347
    0
    SHARE

    Inilibing na si Dolphy last Sunday pero hindi pa tapos ang gulong nangyari kina Annabelle Rama at entertainment writer Chito Alcid.

    Nangyari ang away last Friday evening at nag-apologize na ang Gutierrez matriarch sa Quizon family habang si Alcid naman ay tumakbo sa organisasyon ng manunulat para humingi ng tulong.

    Kahapon ng umaga, magkasunod na nag-guest sina Annabelle at Chito sa DZMM.

    Napangawa si Alcid habang nagbibigay ng kanyang pahayag. Pero cool lang si Tita Annabelle nang live rin siyang mag-guest sa show ni Korina Sanchez.

    Sinunod daw niya ang advice ni Kris Aquino na uminom ng pampakalma.

    Itinanggi ni Annabelle na sa mismong burol sila nagkagulo ni Chito. Sa may dining area raw naganap ang rambulan.

    Heto ang bahagi ng pahayag ni Chito bago nag-guest si Tita Annabelle na siya raw ang nagsimula ng gulo.

    “Palusot niya ’yon! Nasusuklam ang lahat ng tao sa ginawa niya. Paano ako mangangatwiran?

    Kailangang mag-imbento siya. Common sense. Paano ako magsisimula at magpu-provoke ako? Meron siyang dalawang bodyguards. Pagkatapos, katabi niya palagi si Eddie Gutierrez.

    “Nagpunta ako sa CR. Kasing layo mo, mga six steps away. Nakita ko siya kaya tumalikod ako. Maraming taong nandoon. Pagtalikod ko, hinampas niya ako.

    Kumuha siya ng kutsilyo sa dining table. Tapos nagsisigaw siya.

    I cannot say it on radio and TV now. “Sigaw na talagang nakakahiya pati pag-aari ng ano, binanggit.

    Pati mga mura, pagbibintang na mga bugalo. ’Yung isinisigaw niya, siya ’yon,” pahayag ni Chito.

    Buwelta naman ni Tita Annabelle, “Dalawa kasi ang dining area doon. May isa sa tabi ng burol at may isang medyo malayo.

    “Kung hindi dahil kay Manay Ichu Maceda… Kasi earlier, may nag-text sa akin. Darating ang kalaban mo diyan kasama ang kanyang bading na alalay.

    “Alam ko na. Kaya after ng speech ni Erap, sabi ko, ‘Eduardo, uwi na tayo kasi may darating. Ayokong makita ang pagmumukha nila! Baka gagamitin na naman ako.’

    “Tama ang hinala ko. Ginamit ako talaga. Ako, Korina, two days… two nights na akong nag-a-attend ng Mass.

    Kausap ko ang kaibigan ni Eddie. Pamilya ng Quizon. Wala namang gulong nangyari.

    “Tapos, paglabas ko ng chapel, pauwi na sana kami ni Eddie, binati ko lang si Chavit Singson. Sabi ni Eduardo sa akin, doon tayo sa likod para malayo. Saka hindi tayo mahahagilap doon.

    “Nagulat na lang kami at bigla siyang nandoon. Ang ibig sabihin, pumunta sila para iskandaluhin ako.

    Kung nagdasal sila roon o nakikiramay kina Eric, dapat mag-stay sila for a while.

    Katulad ko, pamorningan ako, ’di ba? Kasi, happy ako. Nakita ko ang idolo ko. Nakita ko ’yung mga bisita na hindi ko nakikita nu’ng araw pa.

    “Nang pumunta ako ng banyo, nauna sa loob ng CR si Eddie. Nasa labas ako naghintay. Nakita ko si Daisy (Romualdez), unang tumayo. Kagrupo siya nina Chito.

    Daisy, Amalia at Chavit. Nakita ako ni Daisy sa CR, umatras siya. Kitang-kita ko, maliit lang naman ang dining, eh, kitang-kita ko, pag-upo ni Eddie, kitang-kita ko, tumayo si Chito. Pumunta rin sa akin. Alam ko nang may gagawin siya sa akin.

    “Pero hindi ko pinapansin. Pagdating niya sa CR, ‘nasaan ang CR,’ sabi sa akin.

    Alam ko namang drama lang ’yon. Korina, hindi ako sira-ulo na gagawa ng ganoon kung hindi ako pinu-provoke. Hindi sira-ulo ko na hahabulin ko siya. Galit na galit ako, hahabulin ko siya?

    “Chito, nagsisinungaling ka! Wala akong kasama. Ang bodyguard ko, nasa labas kasi alam kong safe ako sa kuwartong ’yon. Ang ganda ng kuwentuhan namin kaya alam kong safe ako sa grupong ’yon.

    “Si Amalia, sa harap ko, lagi akong iniirapan, pero hindi ko pinapansin. Sabi nga sa akin ni Susan Roces, ‘’Day, huwag ka nang tumingin para maging relaxed ang byuti mo.’

    “Ako, Korina, hindi ako sanay na magdala ng kung sinu-sino para kampihan ako.

    Lumalaban ako sa sarili ko hangga’t kaya ko nang humarap sa kalaban ko. At kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. At kaya kong ipagtanggol ang buong pamilya ko.

    “’Yang Chito Alcid, ang tapang-tapang sa TV. Pero nang hinabol ko, hanggang sa natumba siya, hindi ko siya mahabol kasi inawat ako ni Chavit at ni Kuya Germs.

    Hindi ako gagawa ng ganyang iskandalo kung hindi ako tinamaan sa pinaggagawa niya.

    “Four months na niyang tinitira ang pamilya ko below the belt pero hindi ko siya pinapatulan. Ayokong pumatol sa walang pangalan. Gumagawa siya ng eksena para patulan ko siya.

    “Nagkamali ako na pinatulan ko siya that night na hindi pala siya kilala ng taumbayan. Nagkakamali siya. Lahat, kakampi ko,” paliwanag ni Tita Annabelle.

    Tinulungan na minsan ni Tita Annabelle na malusutan ni Chito ang isang iskandalong kinasangkutan niya.
           
    Kaya naman hinding-hindi niya mapapatawad ito kahit anong mangyari. Magkita na lang daw sila sa Cebu kung saan isinampa niya ang kasong libelo laban sa writer at kay Amalia.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here