Century-old trees puputulin

    93
    0
    SHARE
    Mga naglalakihang puno na animo’y kung titingnan mo ay nasa kagubatan ka na ng SBMA na siyang lumililim sa dating MINI GOLF COURSE ang nakatakdang putulin dahil lamang sa planong itatayong dambuhalang hotel ng isang Koreanong imbestor, Ito ay ang GRAND UTOPIA na kalaunan pinalitan na ng OCEANS 9, 15-story integrated resort-casino.

    Panahon pa ng mga Amerikano na siyang naghirap para mapalaki ang mga nasabing puno at mawawasak lang.  Ito ay may kabuuang mahigit-kumulang sa 300 mga puno, kabilang na diyan ang 30 ‘endangered species” na kahoy at ibat-bang “fruit bearing trees”.

    Marami pa namang lugar na pwedeng pagtayuan ng Hotel, kung bakit pinili pa kung san naroon ang mga malalaking puno, maging ang MINI GOLF COURSE ay winasak, dyan naglalaro ang mga kabataan maging mga turista na mahilig mag-golf at hindi ito lingid sa kaalaman ng mga namumuno sa SBMA.

    Noong una, nagmistulang “squatter area” ang paligid ng MINI GOLF COURSE, dahil sa mga maliliit na stalls ng tindahan maging canteen ang siyang itinayo sa nasabing lugar, ito ay malapit lamang sa tanggapan ng SBMA Chairman at iba pang tanggapan ng SBMA.

    Sa halip na pagandahin at alagaan ang mga puno, yun may plano palang iba. Ang lugar na yan ang natitira na lamang na kung tagurian ay TREE PARK na nasa Central Business District ng Subic Bay Freeport Zone.

    Hoy! SBMA Chairman Feliciano Salonga at Administrator Armand Arreza, sino na naman sa iyong dalawa ang may pakana nito at nag-approve sa kontrata?

    Hindi ako tutol kung ang pag-uusapan ay ang ginagawa niyong pagpapa-unlad sa Subic Bay Freeport, maganda yan, pero itama ninyo sa lugar, tinamaan kayo ng . . . MINI GOLF COURSE at mga naglalakihang puno wawasakin dahil lamang sa pagtatayuan ng Hotel.

    Nakalusot na kayo sa ginawa ninyong pag-apruba sa dambuhalang HANJIN CONDOMINIUM sa may bahagi ng Naval Magazine ito na namam may panibagong Hokus-pukos sa kontrata.
    Kaninong kumisyon na naman ito? Sa sambayanan na naman ba ang kunsimisyon?

    Nabuking ang nasabing kontrata ng umalma ang mga Pilipino Businessmen ng hindi napunta sa kamay nila ang nasabing planong pagpapatayo ng Hotel and Casino, sa halip napunta ito sa KOREANO.

    Sa madaling salita, kulang sa HATAG. Magkano na kasi ang 10% ng US$ 120-milyon?

    Sa katunayan nga daw lihim ng isinagawa ang GROUND BREAKING CEREMONY at sila-sila (SBMA Officials at Korean imbestor) na lang ang nakakaalam.

    Ito namang si Ms. Ameth Dela Llana Koval, Head ng SBMA ECOLOGY CENTER, wow! tila hugas kamay naman itong si mam at ayaw madawit, at kapag tumatawag ka sa opisina niya palaging wala, yan! Isa lamang yan sa mga namumuno sa SBMA tanghali na wala pa.

    Nung una itong si Ms. AMETH, at kilala naman ng lahat laging nasa “front line” ng rally kapag Environment na ang pinag-uusapan at tutol talaga ito, pero nasa “frontline” pa naman ito, kaya lang nasa ibang grupo nga lamang na noong siya ang bumamatikos, ngayon siya na ang binabatikos.

    He he he, wala ka kasi sa ayos! Nabulag nadin ata?

    Upsss! Todo kabig naman itong pamunuan ng SBMA sa pagsasabing hindi naman daw nila papayagang putulin ang mga kahoy. Paano po nabuking na kayo.

    Sa press statement ng SBMA ganito ang kanilang sinasabi “ The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) will not allow the cutting of trees to make way for a multi-million hotel-casino project. SBMA Administrator Armand Arreza said the agency has told project proponent Grand Utopia, Inc. that the trees should be saved and incorporated in the development plan, which will be subject to SBMA review.

    “It’s pure speculation that 300 trees will be destroyed because, in fact, Grand Utopia has already applied for a permit to ball the trees,” he added.

    Arreza also pointed out that the area, which previously contained a mini-golf course built during US Navy Days, has been classified under SBMA zoning regulations as a commercial area.

    “This is why the recommendation from Ecology was to incorporate the trees in the development plan, or if that won’t be possible, to ball the trees and transfer them to a new location,” Arreza said.

    Nge! Ililipat ang mga punong kahoy saan ninyo dadalhin sa bundok at nakakasiguro naman kaya na mabubuhay ito. E! yung puno nga ng kamatis nalalanta, yung pa kayang dambuhalang mga kahoy.

    Mga sir! Huwag ninyong gawin mga tanga ang taumbayan, sa Olongapo diba bawal ang tamad, mas bawal siguro ang TANGA.

    Dambuhalang puno ililipat? Ilan ang mga ENDANGRED SPECIES diyan?

    Kung nasa tago na lugar ang pagtatayuan ng HOTEL tapos na ang buto-buto, putol ang lahat ng puno, gaya ng nangyari sa KOREAN CONDOMINIUM na malayo sa mata ng taumbayan.

    Kaya umayos kayo mga sir!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here