Carnapper huli sa SBMA

    400
    0
    SHARE

    SUBIC BAY FREEPORT — Nasakote ng mga tauhan ng SBMA Law Enforcement Department ang isang carnapper matapos nitong tangayin ang nakaparadang Mazda pickup na pagmamay-ari ng isang Canadian national habang ito ay nakaparada sa harapan ng bar sa Barangay Barretto,

    Olongapo City. Kinilala ang suspek na si Tai Mijares, 38-anyos at residenteng Block 18, Lot 13, San Lorenzo, Sta Rosa, Laguna. Ayon sa ulat, isang tawag sa telepono ang natanggap ng SBMA LED na isang Mazda pick-up (RHH-423) na pagmamay- ari ni Dotan Dhor, 44 anyos, isang Canadian national ang nakarnap patungo ng SBMA habang ito ay nakaparada sa harapan ng isang bar sa Barangay Barretto.

    Dahil dito, inalerto ng SBMA- LED ang Swat Team at nahuli ang suspek sakay ng Mazda pick-up na kanyang kinarnap bago pa man ito makalabas ng Tipo Gate, Dinalupihan, Bataan. Ang suspek ay kaagad na nai-turn over sa Police Station 6 ng Olongapo City PNP para sampahan ng kaukulang kaso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here