Carnapper huli ng HPG

    663
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) ang isang carnapper sa isinagawang anti-carnapping /mobile patrol operation sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

    Kinilala ni ZPHPT provincial officer Senior Inspector Isabelo Ganao ang suspek na si Arnold Santos, 35, residente  ng Purok 5, Barangay Matain, Subic, Zambales.

    Ang suspek ay inaresto sakay ng Nissan Sentra na may plakang ZMT-601 na naunang ini-report sa Subic PNP na nawawala noong August 11, 2013.

    Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Marlon Agno, ang nasabing sasakyan ay pagmamay-ari ni James Edward Larkin ng Block 6, Lot 2-B, Sta. Monica Subdivision, Barangay Sto Tomas, Subic, Zambales.

    Nabatid sa ulat na ang sasakyan ay ipinagkatiwala kay Marvin Self na kapitbahay ni Larkin bago ito nagtungo sa Amerika para magpagamot, subalit laking gulat nito nang mawala sa garahe kung kaya kaagad nitong ini-report sa pulis.

    Ang nasabing sasakyan ay nasa custody ng ZPHPT at isasailalim sa macro-etching examination sa Olongapo City Crime Laboratory.

    Si Santos ay ipinagharap na ng kasong carnapping batay sa itinatadtahan ng RA 6539 sa tanggapan ng Provincial Prosecutors Office  habang ito ay detinido sa Bureau of Jail Management and Penology.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here