Carlo Caparas tatakbo sa senado?

    375
    0
    SHARE
    Habulin talaga ng kontrobersya si Direk Carlo Caparas. Hindi pa nga natatapos ‘yung kinasusuungan niyang kontrobersya tungkol sa pagkakahirang sa kanya bilang National Artist sa larangan ng visual arts, heto na naman ngayon at nagsisimulang kumulo ang isa na namang tiyak na magiging source ng maraming intriga.

    Would you very believe, may clamor for Direk Carlo J na tumakbo bilang isang seandor this coming May elections?

    Yes, isang grupo ng mga kabataan ang nakausap naming who said something like na dapat daw sa senado na magpakitang-gilas ang butihing direttor dahil nga kailangan ng bansa ang isang dynamic pero selfless  man na kagaya ni Carlo J.

    Sabi ng pinuno ng grupo ng nakausap namin kailan lang sa isang rally sa Liwasang Bonifacio, “si Direk Carlo J, maka-Pilipino, wala pa siyang bahid-dungis, kaya nakatitiyak tayong magiging mabuting senador siya. Ang importante kasi sa isang halal ng bayan ay yung may intensyong maglingkod nang totoo. Sa ngayon kasi, halos lahat ng mga inihahal natin sa posisyon ay pawing may agenda. Higit nilang gusting paglingkuran ang kanilang mga sarili,” sabi pa ng kausap namin.

    Oo nga naman, kahit kami, bilang personal na nakakakilala kay Direk Carlo at sa kanyang pamilya, we can vouch sa kanyang integrity bilang mamamayan. Nakita namin kung paano magbigay si direk sa mga taong nasa paligid niya. What he has, he shares, hindi siya maramot. Palagay ko, isa ito sa pinakamahalagang katangian ng isang mamumuno sa bayan.

    Pero okey lang ba kay direk na tumakbo bilang senador? “Isang matamis na ngiti lang ang ganti ni direk nang itanong namin ito sa kanya sa presscon ng bagong obra niya na gianpa sa Astor Hotel sa Makati Avenue . “I-puwera na ninyo ako riyan, okey na lang itong kinilala naman ng pamahalaan ang kakayahan ko bilang  artist. Para sa isang katulad ko, yun na ang pinakamataas na pagkilala at sapat na yun.

    “Maglilingkod na lang ako sa mga taong nasa paligid ko at yung iba ko pang maaabot na mga kababayan. Naniniwala naman ako, kahit hindi na ako maging senador, kaya ko pa rin namang makaglingkod. Bast ako, susuporta ako sa bayan, sumpa man, hindi ako tatalikod sa aking pagiging maka-Pilipino.”

    Nang si Donna Villa naman ang aming kinausap, mas malutong naman yung halakhak niya, hidni yung nakatatawa yung clamor na tumakbong senador ang mister niya, kundi yung natutuwaraw siya at may ganoong movement pala ang ilang kabataan para sa kanya.  “Kung sakaling dumating ‘yun, alam ko namang magiging mabuting lingkod-bayan si Carlo. Ikinararangal ko, but I don’t think Carlo is the type who will bite that. Simpleng tao lang ang asawa ko at ang paggawa ng pelikula ang numero unong agenda sa buhay niya.”

    Both Carlo and Donna are now in the thick of things.  Busy silang dalawa sa pag-aasikaso ng latest work ni carlo J. Ito yung Pangarap Kong Jackpot na isang trilogy in partnership with PCSO in connection with its 75th anniversary. Tatlo ang istoryang nakapaloob dito namely: Hawak Kita, Hawak Mo Ko, Sa Ngalan Ng Busabos at Hiwaga Ni Lolo Hugo. Star-studded ang naturang pelikula na hindi mo sukat aakaling puwede palang mapagsama ang mga malalaking artistang gaya nina Jake Cuenca, Eddie Garcia, Joel Torre, Gina Pareño, Caridad Sanchez at Manny Pacquiao.

    Isali mo pa riyan ang santambak na mga sumuportang youngstars na talaga naming gaya ng bayan ay excited nang mapanood ang pelikula.

    “Sana suportahan natin ito, marami pa kaming balak, tulungan ninyo kami, para sa ating lahat ito,” sabi pa ni Donna sa mga reporter na dumalo sa grand presscon ng kanilang pelikula.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here