Aminado si John Lloyd Cruz na napi-pressure na rin siya tungkol sa mga kasal-kasal na ’yan dahil hindi na raw siya bumabata. “I am not getting any younger, I’m 31.
Imposible naman na hindi ko maramdaman ’yung pressure, but it’s good to know your priorities and sabi nga nila, buti lalaki ka, kasi mas madali raw sa lalaki, ’di ba?” say ni Lloydie sa panayam sa The Buzz. Maging ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban ay umamin na ring she’s ready to settle down.
In fact, panay nga raw ang parinig niya kay Lloydie tungkol sa marriage proposal. Pero ayon sa aktor, kari-renew lang niya ng another three years sa ABS-CBN kaya ang goal niya ngayon ay magtrabaho nang mabuti.
“At this point, kakapirma lang natin, ’di ba? I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho and gusto nating ma-achieve ’yung content ng kontrata. Maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network,” pahayag ng aktor.
Siyempre, gusto rin naman daw niyang lumagay sa tahimik pero hindi ibig sabihin nu’n ay magpapakasal na siya. Wala pang sinabi si Lloydie na bagong proyektong gagawin sa ABS-CBN matapos tanggihan ang Bridges na dapat sana’y pagsasamahan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador. Sa ngayon, may isa siyang sitcom na umeere, ang Home Sweetie Home.