Home Headlines Call center agent positibo, barangay ni-lockdown

Call center agent positibo, barangay ni-lockdown

1000
0
SHARE

Guwardyado na ang kanto ng Sitio Talabahan, Barangay Bagna kung saan may nagpositibo sa Covid-19. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
— Isinailalim sa lockdown ang Barangay Bagna matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang 26-anyos na call center agent na nagtatrabaho naman sa Kamaynilaan.

Ito ang kauna-unahang kaso ng coronavirus sa lugar.

Ayon kay barangay chairman Boyet Villena, may kasamahan ang lalake na nauna nang nagpositibo sa virus kayat isinalang din ito sa swab test noong July 3 at kahapon lumabas ang resulta nito.

Pero bago lumabas ang resulta ay umuwi pa ng Sitio Talabahan sa naturang barangay ang call center agent at nakipag-inuman pa dahil wala naman itong sintomas na nararamdaman.

Hanggang sa lumabas nga ang resulta ng swab test kahapon kayat agad na ini-lockdown ang buong barangay para maiwasan na kumalat pa ang virus.

Sa ngayon ay bantaysarado din ang bahay ng lalake at nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito lalo na ang mga nakainuman.

Ang lockdown ay tatagal ng 15 araw at ipinatutupad din dito ang liquor ban habang ang call center agent ay naka-isolate na ngayon.

Samantala batay sa pinakahuling talaan ng Bulacan provincial health office, umakyat na sa 545 ang total confirmed cases sa lalawigan, 230 ang recoveries, 279 ang active cases, at 36 naman ang namatay sa naturang sakit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here