BuLSU-Hagonoy pinasinayaan na

    248
    0
    SHARE

    HAGONOY, Bulacan – Kaunlarang pampamayanan ang ibubunga ng ikalimang sangay ng Bulacan State University (BulSU) na pinasinayaan noong Martes, Hunyo 7 sa bayang ito, ayon sa mga opisyal.

    Iginiit pa nila na ang pagbubukas ng klase sa nasabing sangay ng pamantasan ay isang paraan ng paglalapit ng edukasyon sa mga pamayanan.

    Bilang patunay, inihalimbawa ni Commissioner Nona Ricafort ng Commission on Higher Education  ang karansan ng isla ng Samar kung saan ay isang pamantasan ang kanilang pinasinayaan ilang taon na ang nakakaraan.

    Ayon kay Ricafort, isa sa mga kursong binuksan sa pamantasan sa Samar ay ang Naval Engineering kung saan ay maraming estudyante ang nag-aral.

    Bilang halimbawa ng kaunlarang hatid ng pamantasan, sinabi niya na ang mga bahay na yari sa kahoy sa Samar ay binago at ginawang kongkreto dahil maraming nagtapos na estudyante ang nakapagtrabaho sa ibayong dagat.

    “The same will happen here in Hagonoy with the opening of the Bulacan State University satellite campus.  We foresee that it will also bring progress,” ani Ricafort.

    Inayunan din ito nina Mariano De Jesus, ang Pangulo ng BulSU, at Dr. Danilo Hilario, ang vice president for research and extension ng BulSU.

    Sinabi ni De Jesus na pinilit nilang mabuksan ang BulSU Hagonoy Campus, dahil 15 taon ng naantala ang pagbubukas nito.

    Ikinuwento niya na noong dekada 90 ay ipinagkaloob ng pamahalaang bayan ng Hagonoy sa pangunguna ng noo’y alkalde at ngayo’y Gob. Willy Alvarado ang walong ektaryang lupa para sa BulSU.

    Sinuportahan naman ito ng yumaong si Senador Blas Ople ng tustusan ang pagpapatayo ng gusali at tulay sa di kalayuan gamit ang kanyang country side development fund

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here