Bulok na puwet ni Selina Sevilla sumentro sa mga intriga

    554
    0
    SHARE
    Iniiyakan ni Selina Sevilla yung nakararating sa kanyang sa halip na ikasikat niya yung isyung nabulok ang kanyang puwet dahil sa retoke na nauwi sa hindi maganda. Paano nga kasi, totoo namang wala ng nag-iinteres ngayon sa kanya bilang sexy singer. Sino ba nga naman ang magnanasa pa sa kanya ngayong it is all over na nabulok ang kanyang puwet at kahit na sinasabing tagumpay ang operasyon sa kanya ni Dr.  Calayan. Still, andoon na yung masamang marka ng bulok niyang  puwet.

    Minsan na naming naisulat, tatlong beses naming sinubukang i-endorse sa aming fiesta clients si Selina pero pinagtawanan lang kami at sinabihang ‘wag na lang dahil ayaw nila rito ang bulok ng puwet nito.

    It that happened to us thrice, napakaposibleng ganito rin nng naging experience ng ilang pang show promoters na kukuha kay Selina.

    Sayang nga, ang galling pa naman niya. Dinala naming si Selina sa isang malayong barangay sa isang Pampanga town at talaga namang pinagkagulahan siya. Very desirable pa nga naman siya at dahil sa exposure na yun, nagkasunud-sunod ang pagkuha sa kanya sa liga ng mga show promoters around the Nueva Ecija-Bulacan- Pampanga area. Mula sa maliit na talent fee, lumobo ang kanyang presyo na pati mismo kami na nag-umpisa para pasulungin ang kanyang  career ay hindi na naming nakayanan. Imagine, sobra pa sa triple ang itinaas ng kanyang talent fee.

    Hanggang sa nagmaingay na si Selina at ipinangalandakan ang nabulok niyang puwet.

    Ngayon, kapag umiiyak si Selina ay may bahid siya ng pagsisiis.  “Dati akong sexy singer, sikat, pinagkakagulahan, ngayon, ayaw nila akong kunin dahil akala nila ay bulok ako,” pagtanggi pa niya.

    Kaugnay nito, idedemanda pa si Selina ng libel ng mga kaanak ng duktor na umopera sa kanya noon. Patay na nga pala kasi yung duktor, kaya nakiusap silang huwag nang banggitin pa ang pangalan ng duktor. Pero, na-mention nga ang pangalan kung kaya magsasampa raw ng libel laban kay Selina

    Sevilla.

    And like we said sa mga nauna naming write up, Selina used to operate an enhancement clinic in Malolos City. Nakita naming mismo yung lugar nang minsang mapadaan kami roon. And Selina herself told us na sinara na lang niya yung clinic for reasons na hindi na niya binanggit.  We inferred noon na baka nga naging kasosyo nga ni Selina yung duktor na umopera sa kanya.

    Hindi nga kami nagkamali.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here