Home Headlines Bulacan solon positibo sa Covid-19

Bulacan solon positibo sa Covid-19

161
0
SHARE

MEYCAUAYAN CITY —- Nagpositibo sa Covid-19 si Bulacan 4th District Rep. Henry Villarica.

Ayon sa Meycauayan City Information Office, lumabas ang resulta ng confirmatory test ni Villarica mula sa Research Institute for Tropical Medicine nitong Huwebes ng hapon kung saan ay nag-positibo ito sa corona virus.

Si Villarica ay kasalukuyang naka-confine sa Makati Medical Center mula pa noong March 18, 2020 at iniulat na nasa stable condition.

Samantala, bagamat walang nararamdamang sintomas ay nagself-quarantine na si Meycauyan City Mayor Linabelle Villarica ang maybahay ng congressman.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung saan nakuha ni Cong. Villarica ang naturang sakit.

Batay naman sa monitoring ng Meycauyan City para sa Covid-19 ay may 29 dito na patients under investigation, at 127 na persons under monitoring

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here