Bulacan nasa state of calamity dahil sa dengue

    314
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS —- Nagdeklara na ng state of calamity sa Bulacan dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng mga kaso ng dengue kung saan 11 na ang namatay.

    Sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 308-T’15 o ang“Kapasyahan na nagpapahayag na ang Bulacan ay nasa ilalim ng state of calamity upang matugunan ang paglaganap ng sakit na dengue sa lalawigan,” ay naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng P39 million calamity fund para maiwasan na tumaas pa ang kaso ng naturang sakit.

    Ang nasabing pondo ay gagamitin para sa pagsugpo ng mga lamok at pag-asiste sa mga nabibiktima sa pampublikong pagamutan kung saan libre ang paggamot nito.

    Batay sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), ay nasa 4, 771 kaso na ng dengue ang naiulat mula noong Enero ng kasalukuyang taon kung saan 11 na nga ang namatay.

    Ito ay katumbas ng 230 porsyentong pagtaas kumpara sa 1,342 na kaso noong 2014.

    Nasa 38.8 porsyento ng mga nabibiktima ay umeedad ng 11 hanggang 20 taong gulang.

    Pinakamataas na kaso ay sa San Jose Del Monte na may 615 cases, nasundan naman sa mga bayan ng Santa Maria sa 409 cases, San Rafael sa 401, Bustos sa 329 at San Miguel sa 278 na mga kaso.

    Ang pinakahuling biktima ay ang anim na taong gulang na si Chloe Manahan ng Barangay Longos sa Malolos. Siya ay namatay nitong Sabado limang araw matapos tamaan ng sakit.

    Pinaigting din ang “all-out war” kontra sa dengue o ang Aksyon Barangay Kontra Dengue kung saan nagsasagawa ng clean up drive, mist spraying at mga fogging operations para mapuksa ang mga lamok na vector ng dengue.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here