Home Headlines Bulacan, California pinagtibay ang sisterhood relationship

Bulacan, California pinagtibay ang sisterhood relationship

428
0
SHARE
Iprinisinta ni Bise Gobernador Alexis Castro (pang-apat mula kanan) kay Glendale City Planning Commission Chairperson Editha Fuente (pangatlo mula sa kaliwa) ang sipi ng SP Resolution No. 538-S’2023 na nag-aapruba at tumatanggap sa sisterhood partnership sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at pamahalaan ng estado ng California sa isang programa na ginanap sa Marco Polo Hotel Ortigas Manila. (Bulacan PPAO)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Pinagtibay ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at pamahalaan ng estado ng California ang kanilang sisterhood relationship.

Iprinesenta ni Glendale City Planning Commission Chairperson Editha Fuentes ang Concurrent Resolution No. 57 ng Senado ng California na ipinasa noong Agosto 2023.

Iniakda ni State Senator Anthony Portantino, nagpahayag ito ng imbitasyon sa Bulacan upang makiisa sa California sa isang sister state relationship upang mapayabong ang pag-unlad at mapabuti ang internasyunal na pang-unawa at mabuting kalooban.

Dagdag pa ni Fuentes, isa sa mga dahilan kung bakit naikunsidera ang lalawigan ay dahil sa malaki nitong populasyon.

Mayaman din anya ito sa kasaysayan, pamana at sining, at isa sa mga malalaking exporter ng bansa.

May mataas din itong literacy rate na nasa 98.33 porsyento.

Samantala, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang SP Resolution No. 538-S’2023 na nag-aapruba at tumatanggap sa partnership sa pagitan ng Bulacan at California.

Dahil dito, inaasahan ang palitan ng benespisyo sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at kultura ang dalawang panig.

Ayon kay Bise Gobernador Alexis Castro, ang kaganapan ay isang tunay na pagpapakita ng kanilang pagpayag na pasiglahin ang pagkakaunawaan sa isa’t isa sa mga inaasahang gawain sa loob ng mga naturang larangan.

Umaasa siya para sa patuloy na pagpapalitan ng mga ideya at natutunan sa pamumuno. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here