Ang sarap pakinggan at nakakapanabik ang bawat sandali kapag ang pinag-uusapan natin ay ang pangingibang bansa para doon maghanap-buhay.
Overseas Filipino Workers (OFW), na kung tawagin ISANG BAYANI… na akala ng iba kapag abroad kana marami ka ng salapi. Hindi nila alam na bago makapangibang bansa para makapagtrabaho ay may mga utang ka ng iniwan sa Pilipinas.
Mahirapap yata ang mangibang bayan. Sino ba ang dapat sisihin at may kasalanan ng lahat ng ito na ang bawat Pilipino ay nagtutungo sa ibang bansa para lamang manilbihan sa mga dayuhan dahil sa kahirapn ay natitiis na malayo sa kanilang pamilya.
Di ba malaki itong sakripisyo na pansamantalang iiwanan mo ang bansang sinilangan. Hindi naman pinupulot ang pera dito sa Pilipinas.
Dapat mamulat ang mata ng bawat Pilipino sa ganitong sitwasyon, hindi masama ang mangarap.
Sa kuwento ng isang OFW, marami sa mga Pinoy ang naghahangad na makarating sa ibang bansa gaya ng DUBAI at iba pang lugar kung saan doon ang trabaho. Ito marahil dala na rin na sawa sa Pilipinong amo na kung mag-utos ay daig ka pa sa alipin kapalit ng kakarampot na sweldo.
Marami aniya ang Pinoy sa DUBAI at kung titinan mo ay parang hindi ka umalis ng Pilipinas. Hindi naman daw nangangahulugan na RIYAL na ang suweldo mo ay yayaman ka na, kinakailangan mo din ang magbanat ng buto para mabuhay ka at may mapadala sa pamilya mo sa Pilipinas.
Akala lang daw ng iba ay pinupulot ang pera, text, tawag ang natatanggap ng bawat isa sa kanilang mga pamilya at lahat ng problema ay ipinapasan sa kanila.
Magandang pakinggan OFW at tinatawag na bagong bayani, pero mas masarap pa daw yung nasa PINAS ka na katas ng bagong bayani ang siyang inaani kumpara sa abroad na dumarami ang iyong utang. Kakarampot nga daw na sweldo pambayad pa sa utang.
Karamihan sa ating mga OFW kundi man namaltrato ng amo, may naloko ng pekeng recruiter at iba pang pasakit na nararanasan makarating lang sa ibang bansa upang mahango sa kahirapan.
Kaya hanggang may Domestic Helper (DH) na nangingibang bansa na simbolo ng kahirapan, walang patutunguhan ang pag-unlad at mananatili tayong hirap.
Dapat na mabigyan ito ng pamahalaan ng solusyon para hindi na nagpapaalipin pa ang ating kababayan sa mga dayuhan masustintuhan lang ang pangangailangan ng bawat pamilya na patuloy na dumaranas ng kahirapan.
Kaya sa lahat, tabi ka ng pera, para sa kinabukasan!!!