Home Headlines Bong Go nag-file ng COC para VP 

Bong Go nag-file ng COC para VP 

4635
0
SHARE

MANILA – Nag-file ngayong Sabado ng certificate of candidacy sa pagka-bise presidente sa eleksyon 2022 si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Bago ito bumisita muna ito sa Simbahan ng San Miguel at mga Arkanghel para humingi ng gabay at patnubay.

Matapos nito, dumating si Senator Go kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Garden Tent ng Sofitel Hotel 3:25 ng hapon para maghain ng COC sa pagka bise presidente .

Ayon sa senador, dahil sa nagpasya ang Pangulong Duterte na bawiin ang kanyang pagtanggap sa nominasyon bilang PDP-Laban vice-presidential candidate, nandiyan sya upang tanggapin ang hamon sa pagtakbo sa pagka bise-presidente. Sinabi din ni Go na magtatrabaho siya bilang bise presidente na gagawin lahat ng kanyang makakaya para makapag silbi sa lahat.

Nanawagan din si Go sa mga kapartido niya sa PDP-Laban at sa iba pang lubos na sumusuporta sa mga adhikain ng administrasyong ito na huwag mag-alala dahil hindi nito pababayaan ang mga ito at nandiyan ang Pangulong Duterte bilang pinuno at number one campaigner.

 

Speech ni Sen. Go sa kanyang pag-file ng COC

Good afternoon! Given that President Rodrigo Duterte decided to withdraw his acceptance of nomination, I am here to take on the challenge as PDP-Laban’s vice presidential candidate.

Napag-desisyunan kong tumakbo bilang bise presidente sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programa at tunay na pagbabagong naumpisahan ni Pangulong Duterte — at sisikapin nating dagdagan pa ang mga ito.

Una sa lahat, walang tigil dapat ang kampanya natin kontra iligal na droga, korapsyon, at kriminalidad. Ang taumbayan na ang humusga kung mas ligtas ba ngayon ang mga anak nila at walang pangamba dahil sa mga kriminal at adik. Hindi dapat masayang ang mga nasimulang ito kung kaya’t sa susunod na anim na taon ay sisikapin nating lalong maproteksyunan ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak.

Ang ganda na sana ng takbo ng ating ekonomiya at ng administrasyong Duterte kung hindi lang tayo tinamaan ng krisis. Sisikapin nating maibalik sa normal ang ating pamumuhay at muling maiahon mula sa hirap ang ating mga kababayan dahil rumami ang nawalan ng trabaho at nagugutom.

Upang makamtan ang layuning ito, palalaguin natin ang mga oportunidad pangkabuhayan sa bawat sulok ng bansa. Sosolusyunan natin ang hirap at gutom dahil importante na maalagaan ang tiyan ng bawat Pilipino. Sisiguraduhin nating magiging mabilis, maayos at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan tulad ng naibibigay na tulong ng Malasakit Centers sa mga nangangailangan. Titiyakin rin nating matatapos ang mga nasimulang Build Build Build projects upang maisakatuparan ang mas maginhawa at komportableng buhay para sa lahat.

I intend to pursue and expand these efforts further towards overcoming this pandemic by achieving economic recovery, providing job opportunities, and addressing hunger and poverty.

At sa lahat ng ito, sisiguraduhin nating walang maiiwan sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa. Hindi ko sasayangin ang bawat oras, minuto, o pagkakataon na ibinibigay sa akin ng taumbayan na magserbisyo sa aking kapwa. Kapalit ng inyong tiwala at suporta, ibabalik ko sa inyo ang serbisyong may malasakit, tunay at nararapat.

I will continue to serve especially those who need government attention the most — yung mga mahihirap po. I am determined to fulfill my role as a bridge for the poor, the needy, the hopeless and the helpless — connecting them to their government so that their voices are heard and their concerns are addressed during these trying times.

Bawat buhay po ay pinapahalagahan natin lalo na ‘yung mga walang ibang matakbuhan. Sila po ang prayoridad natin dito, kapakanan nila ang pinaglalaban ko rito! Kung ako po’y papalarin at bibigyan ng pagkakataon ng mga kapwa ko Pilipino, at sa patnubay po ng ating Panginoon, I will be a working vice president na gagawin ang lahat ng aking makakaya para makapagsilbi po sa inyong lahat. Hindi ako magiging spare tire o reserba lamang. Asahan ninyo na ako ay totoong magtatrabaho — hindi lang sa salita, kundi sa gawa. I don’t want to be remembered as just another senator or vice president. I want to be remembered as a public servant na nalalapitan ng sinumang ordinaryong mamamayan at buong pusong nagsisilbi para sa ikabubuti ng ating bansa.

Ako si Kuya Bong Go at ang aking bisyo ay magserbisyo. Nandito ako para maipagpatuloy ang tunay na pagbabagong inaasam natin! Para sa aking mga kapartido sa PDP-Laban at sa iba pang lubos na sumusuporta sa mga adhikain ng administrasyong ito, huwag kayong mag-alala dahil hindi namin kayo pababayaan. Nandirito pa rin po si Pangulong Duterte bilang ating pinuno at number 1 campaigner. Wala pong iwanan sa laban na ito! Tulad ng bilin ni Pangulong Duterte sa akin, parati po at tinatandaan ko ito: “unahin mo ang kapakanan ng mga Pilipino at mahalin natin ang ating kapwa, hinding-hindi ka magkakamali.” Maraming salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here