Home Headlines Bomb defusal ang sanhi ng pagyanig, Mt. Pinatubo walang kinalaman

Bomb defusal ang sanhi ng pagyanig, Mt. Pinatubo walang kinalaman

485
0
SHARE

SAN MARCELINO, Zambales – Nagpalabas ng abiso sa publiko ang municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) na ang naririnig na pagsabog nitong mga nakaraang araw ay walang kinalaman sa bulkang Pinatubo, blasting, pagmimina, o sa solar farm.

Sa pakikipagugnayan ng MDRRMO-San Marcelino sa MDRRMO ng Capas, Tarlac,  ang mga naririnig na malakas na pagsabog at mga pagyanig ay mula sa Crow Valley sa Capas kung saan isinasagawa ang bomb defusal operations ng Philippine Air Force at Philippine Marines noong Martes at Miyerkules.

Payo ng ng MDRRMO sa publiko maging kalmado dahil muling magsasagawa ng bomb defusal sa nasabing lugar.
Sa isang panayam ng radio station kay councilor Ly Aquino, ang Crow Valley ay nasa kabilang bundok lamang ng San Macelino kaya ramdam nito ang pagyanig.

Hiniling din ni Aquino sa MDRRMO-Capas na sa susunod na magkakaroon ng bomb defusal dapat maabisuhan din ang MDRRMO-San Marcelino para mabisuhan ang publiko para mawala ang kanilang pangamba. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here