Boking’s assets on politics

    335
    0
    SHARE

    Itanong ang ganyan sa isang pulitiko
    O kanino pa mang nakalakhan nito
    Ang pamamaraang namana sa trapo,
    Ang isasagot n’yan ay ‘logistics’ piho

    At popularidad ang inaasahan
    Upang sa kalaban higit makalamang;
    Abilidad, karisma at ‘good performance’
    Kasama sa ‘assets’ na lubhang kailangan.

    Pero kung ang city Dad ng Mabalacat
    Itong tatanungin sa mga marapat,
    Sasabihing liban sa mga ‘essentials’
    Na nabanggit – pangunahin ang “Faith in God”

    Determinasyon at lakas din ng loob
    Itong kay Morales ay nakitang lubos
    Sa ‘almost 19 years’ na pagkakaluklok
    Sa Mabalacat town bago naging lungsod.

    (Kaya nga sa lahat ay si Boking itong
    Masasabi nating ‘longest serving Mayor’
    In Pampanga and/or in all other Regions,
    Dala ng taglay niyang pambihirang dunong.)

    Masipag si Boking at talaga namang
    Ginagampanan ng buong kahusayan
    At katapatan ang tungkulin sa bayan,
    Kung kaya marahil laging nahahalal.

    At siya kumbaga ang katangi-tangi
    Na maari nilang sandalan palagi
    Bilang punongbayan kung kaya nga’t lagi
    Nang tinatangkilik at siyang napipili

    Upang maging ama ng kanilang bayan
    Hanggang sa ito ay ganap mapabilang
    Sa ilang lungsod na asensadong tunay
    In terms of progress o ganap kaunlaran.

    Dala na rin nitong si Boking Morales
    Ay tunay naman ding sadyang nanalig
    Sa kapangyarihan ng Ama sa Langit,
    Na s’yang sandigan niya sa lahat ng saglit

    At katuwang lagi sa pang-araw-araw
    Na gampanin para malayong maligaw,
    At higit sa lahat para mangibabaw
    Ang makatao niyang taglay na pananaw.

    Kung kaya naman siya’y di takot humarap
    Kahit kanino mang sa kanya’y may pintas
    (Partikular na sa kanyang pamalakad,)
    Pagkat wala siyang gawang di marapat

    O dapat itago sa mata ng bayan
    Magmula nang siya’y makapanungkulan;
    Kaya’t di na niya pinapansin minsan
    Ang ibinabato ng mga kalaban.

    Instead, he goes on doing what he knows better
    In the right place and on the right time – in order
    To do anything he has to do somewhere
    That it can do something for all his constituents.
     
    Sa kabuoan ay narito ang ilang
    Dahilan kung bakit laging panalo yan:
    Magsasalita siya sa harap ng bayan
    Ng may dangal at ng buong katatagan

    At kayang sabayan pati na ang hari
    Sa paglakad nito ng walang pangimi,
    Dahilan na rin sa kalaban at hindi
    Ay kaya niyang paki-bagayan palagi.

    Ganyan kahusay at kagaling humawak
    Ng tungkulin at/o responsibilidad
    Ang ngayon ay city Dad ng Mabalacat,
    Kaya naman siya ay mahal ng lahat!

    At kung maari pa rin siyang humabol
    Comes year 2016 for a reelection,
    In this booming city for the same position,
    No doubt for 7th term he will be the Mayor!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here