SA LAHAT ng mga naging Punongbayan
Dito sa Pampanga o sa alin pa mang
Probinsya, lungsod at mga bayan-bayan,
Wala nang tatalo marahil, kabayan
Sa bilang ng taong ipinanungkulan
Ni Boking Morales kahit kaninuman
At kung saan halos labing siyam na taon
Din namang nagsilbi ang butihing Mayor
Sa kanyang kabalen sa Mabalacat town,
Bago naging siyudad, at nahalal noong
“Year 2013” bilang city Mayor,
Kaya nga’t pupuede pa siyang humabol?
Nang hanggang dalawang termino pa bale
Si Mr. Morales sa pagka-Alkalde,
Na ang komento r’yan ng kasiyudad pati
Ay talaga naman ding napakasuwerte
Ni Mayor, maliban sa masipag kasi
Kung kaya gusto pa ng nakararami.
At saka sa puntong ‘geographic status’
O paglaki pati ng ‘area’ na sakop,
Na ‘6,000 square kilometers’ halos,
‘Law on cityhood’ ang nagpapahintulot
Sa ‘sitting mayor’ na muling makalahok
At makahabol pa uli sa susunod.
At ang paglaki pati ng populasyon
Ng Mabalacat ay karagdagang rason
Para muling makasali sa eleksyon;
(Ang dalawang nasabing konsiderasyon
Ay sapat upang ang anumang posisyon
Ng DILG sa isyu’y di umayon).
Sakali’t may duda ma’t kahalintulad
Na kaso itong kay city Mabalacat,
Mayor Boking para maharang at sukat,
Kakaiba ang kanya dahil sa paglawak
Ng sakop na ‘area’ ng naturang siyudad,
At pagdami ng tao sa komunidad.
Na isa sa mga ‘legal means or stand’
Upang sa naturang isyu ay mabigyan
Si Morales ng ‘fresh mayoral term’ bilang
Para sa dalawang natitira pa n’yang
Re-eleksyon kung siya ay magnanais pang
Humabol muli sa halalang daratal.
At kung malinaw din namang sinasabi
Ng mga ‘advisers’ niya o Attorney,
Na di paglabag sa batas ang nasabi,
(Kung saan isa si Makalintal pati
Sa ‘legal counsels’ na pawang de kalibre),
Tiyak ang panalo muli ng Alkalde
Sa mga susunod pa niyang pagtakbo,
Dahilan na rin sa kuha pa rin nito
Ang simpatya’t tiwala ng mga tao;
Na naniwalang sa kamay lang nito
Aangat ng husto ang lungsod na ito,
Kumpara sa ibang naging mayor dito.
At kapag siya ay muli pang sinuwerte
Na mahalal uli sa pagka-Alkalde,
Ng isang ‘term’ pa ay ating masasabi,
Na siya pa lang ang sa PHL History
Itong naging ‘town & city mayor’ pati,
Na lubhang mahaba ang naipagsilbi!
At di rin malayong itong tinatawag
Nilang ‘jinx’ o malas d’yan sa Mabalacat,
Sanhi ng umano ay may nakalipas
Na masamang kwento nitong kaakibat,
Yan, ngayong ito ay maunlad ng siyudad,
Ang sumpa ay baka naparam na’t sukat!?