Bodyguard ng mayor nilikida

    601
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Pinatid ng tatlong punglong bumaon sa ulo ang buhay ng hepe ng civilian anti-crime task force ng Meycauayan City kahapon ng umaga nang siya ay pagbabarilin habang papunta sa munisipyo ng nasabing lungsod.

    Ang biktima ay nakilalang si Danilo Lancero y Palomares, 58, hepe ng Meycauayan City civilian anti-crime task force, bodyguard ni Mayor Joan Alarilla at residente ng Barangay Hulo sa nasabing lungsod.

    Si Lancero, kilala sa nasabing bayan bilang “Totoy Balat,” ay nakasakay sa kanyang motorsiklo patungo sa city hall ng Meycauayan banding alas 6:40 ng umaga kahapon ng siya ay pagbabarilin ng tatalong dikilalalag suspek.

    Si Totoy Balat ay nagtamo ng tatlong tama sa ulo na kanyang agad na ikinamatay.

    Ayon sa mga saksi, agad na tumakas ang mga suspek patungo sa di malamang direksyon matapos ang pamamaril.

    Ayon sa pulis  nakarekober sila ng basyo ng bala mula sa isang calibre 45 na diumanoy ginamit ng mga suspek.

    Tinutukoy pa ng mga pulisya ang motibo sa pamamaslang, ngunit ilan ang nagsabi na maaring may kinalaman iyon sa trabaho ng biktima bilang body guard ni Alarilla.

    Noong nakaraang taon, si Totoy Balat ay kabilang sa mga inireklamo ni dating Mayor Dan Daez ng pambubugbog sa kanya sa loob ng city hall ng Meycauayan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here