Home Headlines Biyuda ng napatay na pulis tumanggap ng tulong kay Duterte

Biyuda ng napatay na pulis tumanggap ng tulong kay Duterte

555
0
SHARE

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Nagpaabot ng P100,000 na tulong pinansiyal si Pres. Duterte sa maybahay ni PO1 Mariano Emmanuel Caparas, ang 27-anyos na pulis na napatay sa buy bust operation sa Sitio Saudi, Barangay Pias ng bayang ito.

Si Senior Inspector Adriano Gabriel, hepe ng Gen. Tinio PNP, ang nag-abot ng pera kay Lyka Camil Càparas, 27, na anim na buwang buntis sa kanilang panganay, nitong Martes ng hapon.

Si Caparas ay namatay sa isang tama ng .9mm sa dibdib nang biglang barilin ng umano’y tulak ng droga na si Albert Gutierrez sa buy-bust operation noong Lunes ng gabi.

Napatay din ng mga pulis ang suspek nang gumanti ng putok ang back up na tropa.

Nagpapasalamat ang biyuda sa tulong na ipinagkaloob ng pangulo at malaking tulong daw ito sa kanilang pangangailangan sa ngayon.

Ngunit aminado siya na hindi pa rin niya matanggap ang nangyari sa mister na pulis lalo’t noong December 14, 2017 pa lang sila naikasal.

Ni hindi nga raw nalaman ng pulis ang gender ng kanilang magiging supling dahil mistulang nagtago ito nang sumailalim siya sa ultra-sound noong nakaraang linggo.

Todo panghihinayang din ni Gabriel sa pagkamatay ng pulis sa kamay ng isang drug pusher.

Inilarawan niya si Caparas bilang masipag at dedikadong alagad ng batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here