Home Opinion “Biro kung sanlan, totoo kung tamaan”

“Biro kung sanlan, totoo kung tamaan”

913
0
SHARE

ANG kawalan minsan ng isang salita
at kawalang kontrol ng bibig magbadya
ng ilang bagay na biro ma’y, di tama
na maipakita, sa harap ng madla.

Na ‘under coverage’ ng TV Station
ng gobyerno itong naturang okasyon,
na kung saan kahit ito ay pabirong
tangkang paghipo sa pigi ng katulong

Maituturing na di kaaya-aya
sa mata ng ‘audience’ at lahat-lahat na
ng mga maaring sa ‘scene’ makakita,
sabihin mang ito ay ‘joke’ lang talaga.

Iyan sa sinumang hawak ay tungkulin
na kagalang-galang,  di marapat gawin
ang ganyan, lalo nga’t ‘in public,’ maraming
mata, ang sa kanya di okey ang dating.

Sabihin man nating pagbibiro nga lang
at walang intensyong gawing totohanan,
di maniniwala itong karamihan,
na walang malisya ang estiong ganyan.

Bilang ‘public servant’ na nakatataas
ang tungkulin kaysa ‘work force’ ay di dapat
asalin ang ganyang klaseng aktibidad
sa kasambahay at kanya ring‘rank & files’.

Pagkat gustuhin man o hindi pumiyok
ang isang katulong, anong maidudulot
sa buhay nga niya ang ganyang di di ayos
na takbo pati ng tungkuling naabot?

May maniniwala bang di sadyang gawi
ni Sir ang ganitong ‘joke’ lamang kunwari,
para sa kanya ang ganitong ugali
pero pasasaan, patungo sakali?

Tama’t likas na sa’ting lipi ni Adan
ang sa mansanas ay mahilig magtakaw,
pero huwag namang sa paraang malabnaw
natin maidaos ang pagtatampisaw.

Anumang bagay na puedeng ikapintas
natin sa ibang tao, ‘yan iwasan dapat
nang tayo’y malayo sa di natin sukat
na maging hantungan sa araw ng bukas.

Partikular na r’yan kung tayo’y kabilang
sa tinitingala at ini-idolo riyan
ng nasa ibaba, na ang katawagan,
kumbaga sa damit pinaka-‘laylayan’.

At sila sa ngayon ang higit matalas
ang pandinig nila sa isyung di dapat
‘in public’ lantaran, na naihahayag
“Sa Radyo na, TV pa” ng istasyong sikat.

Kaya ano pa mang ibinabalita
ng GMA, pasok sa taynga ng madla;
at sa “TV 5”  din ng gobyerno kaya
lahat ng ‘on the spot news’ ay kuha nga.

QKaya paano pa maitago ito
sa mata’t taynga ng kapwa Pilipino,
na may Radyo’t TV, mababasa ito
sa broadsheet at tabloid din na peryodiko.

Kaya ano pa mang gusto nating gawin
pagbibiro man o totohanan, ating
ilagay sa lugar upang ang anihin
ay di ikapintas kundi ikagaling!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here