Home Headlines BINAWING PARANGAL Mayor nagsampa ng kaso vs. Gawad Amerika

BINAWING PARANGAL
Mayor nagsampa ng kaso vs. Gawad Amerika

573
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsampa ng kasong sibil si Malolos City Mayor Christian D. Natividad sa Bulacan Prosecutors Office laban sa mga bumubuo ng Gawad Amerika Awards kasunod ng pagpapawalang bisa ng naturang parangal dahil sa umano’y iregularidad nito.

Batay sa pitong pahinang reklamo ni Natividad, inimbitahan siya ni Joey Yumul, vice president at awards chairman ng Gawad Amerika, para tanggapin ang parangal bilang Most Outstanding Mayor/Public Servant of Malolos, Bulacan Philippines 2018 sa Hollywood, California noong ika-18 ng Agosto.

Naging maayos naman aniya ang naging proseso ng parangal ng gabing iyon na personal niyang tinanggap kasama si Kapuso reporter Lhar Santiago na isa din sa mga awardees.

Mula noon ay wala naman daw siyang natanggap na puna mula sa Gawad Amerika na may iregularidad sa kanyang parangal maliban na lamang nang siya ay magsumite na ng kaniyang kandidatura sa pagka-gobernador ng Bulacan para sa 2019 election.

Ayon kay Natividad, kusang ibinigay sa kanya ang parangal at hindi niya ito hiniling ngunit pinawalang bisa ng Gawad Amerika nang hindi man lamang niya alam ang dahilan at kung ano ang naging laman ng imbestigasyon nito kung bakit ito dineklarang “Null and Void”.

Aniya, ang pagpapawalang- bisa ng nasabing award ay naging laman ng pangungutya ngayon sa social media para sirain ang kaniyang pangalan.

Dahil dito, hihiling niya sa hukuman na atasan ng Gawad Amerika na ayusin ang kontrobersiya at humingi ng tawad kay Natividad kasunod din ng pagbabayad ng halagang $100,000 o katumbas ng P5,291,000 bilang moral damages sa kahihiyan sa publiko kasunod ng pagpapawalang-bisa nito ng award gayong hindi naman niya ito hiningi.

Sinisikap pa ng Punto! na makuhanan ng pahayag ang bumubuo ng naturang parangal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here