Sa mga nabasa namin, pinaka-number one sa best dressed list ng netizens si Julia Montes sa kanyang Albert Andrada gown. Simple pero napaka-elegante nga naman kasi ng Doble Kara actress sa kanyang suot at nag-mumura talaga ang ganda niya. She came without a date at hinahanap ng mga tao si Coco Martin na rumored boyfriend niya.
Stand out din para sa netizens si Kim Chiu on her embellished gown with thousands of tiny crystals na likha ni Pepsi Herrera. Sa ilang taon na ng young actress sa pag-attend ng Star Magic Ball, tuwina’y napupuri ang kanyang ayos at suot and the way she carries herself.
Kim of course, came with her date, ang rumored boyfriend and ka-loveteam na si Xian Lim na ang gwapo rin naman sa kanyang Francis Libiran suit.
Ang isa pang nakakuha ng approval ng netizens ay ang gown ni Kathryn Bernardo na gawa naman ni Michael Cinco. Pareho silang all-white ng kanyang ka-loveteam and rumored boyfriend na si Daniel Padilla kaya sa unang tingin ay para silang ikakasal.
Ang isa sa pinakaaabangang pair that night ay sina Liza Soberano and Enrique Gil na siyempre ay magkasamang dumating. Parang prinsesa ang young actress sa kanyang ala-Cinderella Michael Cinco gown habang ang prinsipe naman niya ay very dashing din sa kanyang white and black suit.
May mga nag-comment na parang wedding gown daw ni Marian Rivera ang suot ni Liza, magkaiba lang ng kulay. Iisa raw kasi ang designer nito.
Another much-awaited pair sina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban. Pero may mga hindi magagandang komento ang netizens sa weight ng aktres.
Say ng isa, parang bagong panganak daw si Angelica. Komento naman ng isa, diet-diet din daw pag may time.
Siyempre, dumating din sina Zanjoe Marudo and Bea Alonzo in their 6th Star Magic Ball as a couple. As always, isa sa nag-stand-out din ang aktres pero may mga komento lang na hindi raw bagay ang black ribbon na nakalagay sa parteng neckline ng gown.
Tanong ng isang netizen sa gown ni Bea, “ano ang ipinaglalaban ng black ribbon na ’yan?”
Another pair that night ay sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa kanilang first Star Magic Ball as a couple. Medyo hindi rin nagustuhan ng iba ang gown ng young actress na likha ni Francis Libiran.
May mga nang-bash naman sa gown ni Alex Gonzaga na combination ng pantsuit at gown.
Marami ang nagkomento na hindi raw nila maintindihan ang suot ng young actress at very confusing daw. Some netizens branded her as one of the worst-dressed stars sa nasabing event. First time naman ni Pokwang na dumalo ng may date sa Star Magic Ball. Kasama niya ang boyfriend na si Lee O’ Brien.
Ang ilan mga dateless ng gabing iyon ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Paulo Avelino, Sam Milby, Shaina Magdayao, Vina Morales among others.
Si Gerald Anderson naman ay dumating na kasama ang kanyang batang pamangkin at si Jodi Santamaria, ang kanyang anak na si Thirdy.
May mga nagtatanong kung bakit wala ang bida sa On the Wings of Love at ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Ang nakikita lang naming kasagutan ay hindi Star Magic talents ang dalawa kundi Viva Artists Agency talents sila.
Wala rin sina Jessy Mendiola and JM de Guzman na inaabangan pa naman ng mga tsismosa’t intrigera dahil nga sa kontrobersyang nangyari sa eroplano involving the young actress and Enrique.
Hindi rin namin nakita sa mga pictures sa Instagram na na-post ang Ningning lead actress na si Beauty Gonzalez na nababalitang buntis ngayon.
Hindi rin nakarating ang King of Primetime Drama na si Coco Martin dahil ayon sa post ng kanyang manager na si Biboy Arboleda, galing ang aktor ng Davao at kasalukuyang humahabol na makarating sa Star Magic Ball. But looked like hindi na siya talaga nakaabot.
Samantala, sina Daniel and Kathryn ang pinarangalang Best Dressed Couple of the Night habang sina Kim and Xian naman ang Couple of the Night.
Ang hinirang na Female Star of the Night ay si Julia Montes habang si Sam Milby naman ang Male Star of the Night.
Wagi rin ang mag-asawang Jericho Rosales and Kim Jones bilang Most Chandon Fabulous Pair of the Night habang si Denise Laurel naman ang hinirang na Burt Bees Charmer of the night.