Bela Padilla inalagaan nang husto ni Coco Martin

    458
    0
    SHARE

    Inamin ni Bela Padilla sa isang interview na naparami ang kissing scenes nila ni Coco Martin sa teleseryeng “Ang Probinsyano” na magsisimula sa Kapamilya network sa darating na Lunes bilang kapalit ng “Nathaniel.”

    “Mag-asawa po kasi kami dito,”katwiran niya. “Wala pong dapat ipag-alala ang fans nila ni Julia Montes dahil teleserye lang iyon.

    Coco is such a gentle husband dito. Siya si Ador, ang police na ginagampanan ng isa sa kambal na character. Ipakikita rito kung gaano kahirap ang maging asawa ng isang pulis dahil hindi mo alam kung ano’ng oras sila makakauwi everytime they report for duty. Hindi mo rin alam kung ano ang mangyayari sa bawa’t encounter nila.”

    Ipinagtapat din ni Bela kung paano siya inalalayan ng “Teleserye King” lalo na sa mahihirap nilang eksena.

    “When I was asked to report to Sir Deo (Endrinal)’s place for a look-see, I was just wearing polo and rubber shoes. Dumating din si Coco at nagulat ako. I didn’t expect him to be there, much less pakunan kami ng iba’t ibang shots. Nakita raw nila ang chemistry namin as a couple. Ako na raw ang magiging leading lady ni Coco at “asawa” sa serye. Agad din kaming isinalang sa taping at lalo akong tinulungan ni Coco sa mga eksena ko, kahit hindi kami magkasama.

    “I was pressured, pero, very happy sa working process nila. Ibang-iba. Alam mo agad na napakaganda ng serye. If I were to describe their working process, I can say na more than 100% ang galing. Baka nga, 200%, 500% o 1,000% pa. I felt na alagang-alaga nila ako, so I wanted to give back all that effort. Ginalingan ko rin.”

    Bela also answered the question kung totoong hindi naman siya Padilla.

    Ginagamit lang daw niya ang Padilla for screen name.

    “That’s true,” sagot niya. “Pero, close ang association namin dahil ang Mom ko at ang Mom ni tito Robin (Padilla) ay first cousins. Doon ako sa Carino family. But it was tita Eva (Robin’s mom) who told me to use Padilla para madali akong makilala. Kaya, Bela Padilla ako ngayon.

    My father’s family name is Soliven. In real life, Krista Soliven ako,” explain niya.

    Bela also told Kris Aquino in an interview, na mayroon siyang picture kasama ang Queen Of All Media. “I was 2 years old pa lang po noon. Ako po ‘yung karga-karga ni tito Robin.”

    Nag-umpisa si Bela sa Star Magic noon bilang Krista Valle (na kinuha sa una niyang manager na si Jet Valle). Na-link siya noon kay Jason Abalos and for a time naging sila.

    “Now that I’m back with ABS, I am super happy po. I can say that I did my job well. At sana maging proud din sa akin si tito Robin at lalo na sina Sir Deo at si Coco Martin, siyempre.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here