Home Headlines Bed capacity ng Covid hospital sa Bulacan lagpas 100% na

Bed capacity ng Covid hospital sa Bulacan lagpas 100% na

1269
0
SHARE

Sa dilim ng gabi ay patuloy ang pagdating ng mga pasyente sa BICC. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Lumagpas na sa 100 percent ang bed capacity ng Bulacan Infection Control Center (BICC) sa mga pasyente na ginagamot dito dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

Sa kasalukuyan ay 80 na ang pasyente sa 70-bed capacity ng nasabing hospital. Dahil dito nagdagdag na ng 31 kama ang BICC upang makapag-admit pa nga mga karagdagang pasyente.

Nasa kabuuang 101 na ang bed capacity ngayon ng BICC at 82 dito ang ward at 19 ang ICU. Sa kasalukuyan ay okupado na ang 73 sa Ward at pito sa ICU.

Ayon pa sa ulat, sa pedia ward ay may 11 na moderate cases at walo ang suspected cases ng Covid-19, sa medical ward ay may 21 moderate cases at pito ang may severe cases, sa OB-Gyne ay may 27 na moderate cases, habang sa surgery ay may anim na moderate cases.

Batay din sa datos ng BICC, noong Dec. 25, 2021 ay dalawa lamang na moderate cases ng Covid-19 ang naka-confine sa kanila ngunit nagsimulang pumalo paakyat ang bilang ng mga dinadalang pasyente dito matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here