Beach resorts sa tabi ng West PHL Sea, dinaragsa na

    366
    0
    SHARE
    BAGAC, Bataan – Dinaragsa na ng maraming bisita ang mga beach resorts na nakahanay sa Barangay Pagasa sa bayang ito na katabi ng West Philippines Sea.

    Isa sa dinarayo ang Morning Breeze Beach Resort na ang entrance fee ay P30 para sa araw at P50 sa overnight stay bawat tao.

    Maraming mapagpipiliang open huts na ang renta ay P500 to P1,000 at mga cottages na ang iba ay aircon sa halagang P2,000 hanggang P4,000.

    Umaalingawngaw ang mga awitin mula sa mga videoke samantalang ang ilang babae ay abala sa pagluluto at paghahanda ng pagkain para sa mga kalalakihang masasaya sa kanilang kwentuhan.

    Sinasamantala ng marami ang paliligo sa nananahimik na West Philippines Sea.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here