Home Headlines Bawal sa Bataan: Malakihang pagtitipon, pati gawaing pangrelihiyon

Bawal sa Bataan: Malakihang pagtitipon, pati gawaing pangrelihiyon

417
0
SHARE

The Bunker kung saan matatagpuan ang mga tanggapan ng provincial
government.



LUNGSOD
NG BALANGA — Pansamantalang ipinagbawal simula ngayong Lunes ang pagdaraos ng mga maramihang pagtitipon, kabilang ang gawaing pangrelihiyon, sa buong Bataan.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na ito’y iminungkahi ng provincial inter-agency task force bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid19.

Sa kung hanggang kailan ang pagbabawal ay ipinapaubaya sa IATF na pinamumunuan ng governor bilang chairman at provincial health officer Dr. Rosanna Buccahan bilang vice-chair.

Sa huling report ng PHO, umabot na sa 420 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 sa lalawigan na ang 147 ay aktibong kaso.

Ang pagtaas ng aktibo at kumpirmadong kaso ay natunton umano sa isang religious gathering na ginanap sa isang hotel sa Balanga City kamakailankung saan mahigit 40 na ang nasuring apektado ng virus.

Hinimok ng IATF ang mga mamamayan na gumamit ng ibang paraan upang makapag-alay ng dasal at pagsamba sa Panginoon na hindi kinakailangan ang aktuwal na pagsasama-sama o pagtitipon-tipon sa iisang lugar ng mga mananampalataya.  

Ang hakbang umanong ito ay naglalayong mapigilan ang pagkakahawa-hawa ng mga tao at upang hindi masyadong dagsain ang mga pagamutan ng mga pasyenteng may Covid-19.

Sa pamamaraan man lang na ito, sabi ng IATF, aymaibsan ang pagod at bigat ng tungkuling nakaatang sa mga healthworkers at frontliners.

Hinihiling ko sa inyong lahat ang ibayong pag-iingat, mas malawak na pang-unawa, pakikiisa at pagtalimadahil sa ganitong paraan natin naipadadama ang ating malalim na malasakit sa kapwa, at pagiging responsableng mamamayan, sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here