Bawal pang manligaw ng seryoso si Alden Richards

    456
    0
    SHARE

    ‘DI muna itinuloy ni Alden Richards ang panliligaw kay Julie Anne San Jose. Hindi pa raw siya handa dahil super hectic ang kanyang schedule. Talagang nasa career muna ang full attention ni  Alden. Ito kasi ang payo ng kanyang amang si Richard Peralta Faulkerson, 46, na sumusubaybay at nagpapayo sa kanyang career ngayon.

    Nakahuntahan namin sina Alden  at  Daddy  Richard sa  post  Father’s Day celebration ng mag-ama sa pamamagitan ng isang bowling game sa SM Bowling Center sa Annex ng SM North Edsa.

    Parehong hilig ng mag-ama ang bowling, bagama’t kinagigiliwan din ni Alden ang basketball at badminton. 

    Nalaman namin kay Daddy Richard na hyper noong bata pa ang kanyang anak. Nakakagalitan niya si Alden kapag nakikipag-away sa kanyang kuya. Bale second child si Alden at may bunsong kapatid pa  ang actor.

    Walang masabi ang ama kay Alden dahil very supportive sa kanyang pamilya. Laging inaalala silang lahat.Lalo na ang kanyang lola. ‘Di bale na raw walang bagong gamit kay Alden, basta maibigay niya ang pangangailangan ng pamilya.

    Naalala ng ama na unang sumabak sa acting si Alden noong nasa high school pa lang ito. Gumanap ito sa lead role ng Joseph, The Dreamer.

    Tapos, nang makapasa sa audition para maging leading man ni Louise delos Reyes sa Alakdana na first soap assignment ng actor, sumasakay sila ng dyip at MRT para lang makarating sa GMA7 office at sasabay sa service na pupunta sa set.

    Bago isinabak si Alden sa soap, dumaan siya sa workshop nina Laurice Guillen at  Maryo J. Delos Reyes.

    Sa ngayon ay top rating ang evening soap nila ni Louise, ang Mundo Mo’y Akin.

    Samantala, excited si Alden na makasama sa movie ni Robin Padilla na pang filmfest, ang 10,000 Hrs.

    Lalabas siya bilang young Robin. Kasama rin siya sa pang-filmfest entry ni Sen. Bong Revilla.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here