Bawal magkasakit, lalo na ang pulis

    434
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    At di
    man milagro nating maituturing,
    Pero si Lord Jesus na rin po marahil
    Ang gumawa r’yan ng daan para namin
    Mailabas na si SPO 3 Delfin.

    Akalain mo bang ang isang duktor na
    Umasikaso nang nasa I.C.U. siya
    Ang umako bale sa bayarin nila
    Para pumayag ang kanilang kahera?

    Na ma-iuwi na kahit di ‘fully paid’
    Ang bayaring dapat bago pa i-release
    Ang pasyente sa ospital na nabanggit,
    Ay bayad na’t lahat sa ‘accounting office”.

    Gayong si Dr. So ay di Kapampangan
    O ika nga’y isang Pilipino man lang,
    Kundi Koreano o ibang Nasyunal
    Base sa binigay na pagkakilanlan.

    Na nagdalang habag lamang sa maysakit
    At sa hindi mapakali nitong misis,
    Habang kung kani-kanino lumalapit
    Upang maibsan ang kalagayang gipit.

    Kaya para nito mabigyan ng lunas
    Ang hinaing nitong naturang mag-anak,
    Nagkusang-loob siyang tumulong at sukat
    Sa pag-garantiya ng natitirang ‘balance’

    At kinausap ang kapwa niya duktor
    Upang pati ‘professional fee’ i-discount
    Kay Delfin para lang payagan na itong
    Mailabas na ospital na iy0on.
    Na aywan kung bakit sa kabila naman
    Ng pakiusap ng misis sa ospital,
    Na mag-promissory note’ di pinayagan,
    Gayong may pambayad na inaasahan.

    Pagkat bilang pulis na ‘active in service’
    Ay natural na mayrung mare-receive
    Na pera o kaukulang ‘reimbursement’
    Para ipambayad n’yan ng ‘hospital bills’.

    Kaya malayong di sila makabayad,
    Gaya riyan ng ibang nangako at lahat
    Pero wala naman ding ‘income’ na sapat
    Upang sa pangako nila’y makatupad.

    At sana depende rin naman sa klase
    Ng katayuhan sinusuri parati,
    Ng alin mang instutusyong nasabi
    Ang kapasidad ng kanilang pasyente.

    Pagkat komo ang tao’y nataong gipit
    Sa panahon ng kanyang pagkakasakit,
    Ay wala na nga siyang tsansa pang masagip
    Dahilan na rin sa bagay na nabanggit?

    Batid kaya riyan ng kinauukulan
    Na may batas hinggil sa isyung naturan,
    Na ang pasyente ay di puedeng pigilan
    Ng dahil lamang sa walang pambayad yan?

    At may katapat na parusa o multa
    Laban sa sinumang may mga klinika
    At ospital kaya na ‘illegally’ nila’ng
    Pigilan, i-hostage ang pasyente nila?
     
    Gaya nitong isa sa parting Hilaga
    Ng lungsod, kung saan Alkalde si Oca;
    Maliban sa multa’y pinagbayad yata
    Ng ‘moral damages’ sa maling nagawa?

    At dahil ‘illegal detention’ ang kaso,
    Na isinampa ng naging ‘patient’ nito;
    ‘Eventually’ imbes ang ospital na ito
    Ang bayaran ay siyang siningil ng danyo?!!! 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here