BatchMates nagmamakabuluhan

    3997
    0
    SHARE

    GAYA ng nakakaraming ordinaryong Pilipino, pikang-pika at inis na inis na sa PDAF issue ang grupong Batchmates.

    Hindi na nila tuloy malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, kung sino ang dapat paniniwalaan at kung sino talaga ang dapat idiin.

    “Bilang mamamayan, apektado tayong lahat sa isyu ng PDAF. Imbes na gamitin ang milyung-milyong piso para mapaganda ang ating bayan, sa iilang bulsa lang napunta ang pera ng bayan. At napunta ang pera sa mga taong hinalal pa natin, yun ang pinakamasaklap,” bungad ni AURA, isa sa miyembro ng Batchmates.

    Pikang-pika na nga raw ang grupo at kung kinakailangang mag-rally sila o sumama sa mga nagra-rally tungkol sa naturang issue ay willing silang makisali.

    “Lahat tayo ay dapat makialam sa isyung ito. Wakasan na ang walang tigil na kurapsiyon sa ating bansa. Itigil na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, itigil na ang pagtatatag ng mga bogus na NGO ,” sigaw naman ni Cath.

    Basta kung kinakailangan ang kanilang boses at ang kanilang presensiya sa isyu ng PDAF ay nakahanda ang Batchmates.

    “Hataw kami kung sumayaw sa aming peformance. At kung kakailangan ang talent namin sa pagsasayaw upang ipahayag at ipabatid sa mga kinauukulan ang aming posisyon tungkol sa isyung ito ay handa kaming sumayaw sa harap man ng senado o sa kahit saan pang venue,” giit naman ni Vassy.

    Naku, mukhang palaban na nga ang grupong Batchmates at tulad ng ibang pang ordinaryong Pinoy hindi na nila naitatago ang nagpupuyos nilang damdamin tungkol sa nakakalitong PDAF issue.

    Bukod kina Aura, Cath at Vassy, parehong palaban din ang tatlo pang natitirang miyembro ng Batchmates na sina Jonah, Sophy at Marie.

    Samantala, out na sa Odyssey at Astro Plus ang self-titled debut album ng Batchmates under LDG and Polyeast Records.

    Mapapakinggan na rin ang kanilang career single na “Di Na Mahal” sa Energy FM, Win Radio, Big Radio at Star FM.

    Bukod sa Di Na Mahal ay mapapakinggan din sa album ng Batchmates ang “Boom Boom Paraboom”, “Feel Like Dance”, Hora at Giling. Maraming naka-schedules na shows ang Batchmates.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here