Batang nalunod nakita makalipas ang 9 na araw

    121
    0
    SHARE

    DINALUPIHAN, Bataan –  Makalipas ang siyam na araw matapos anurin ng malakas na tubig sa isang sapa sa Barangay Tipo, Hermosa, Bataan, nakita noong Miyerkules ng hapon ang halos naaagnas ng katawan ng 5-taong gulang na batang babae na nakasalaksak sa mga singit sa ilalim ng kawayan sa ilog sa sityo Magindong, Luakan, dito.

    Ito ay agad ipinaalam sa pulisya ng Hermosa ni Supt. Enrico Vargas, Dinalupihan police chief.

    Ayonkay Jun Gomunta, barangay Tanod ng Luakan, isang namimingwit ng isda ang nakadiskubre ng katawan ni Dorina Reyes, 5, ng barangay Tipo, Hermosa, Bataan.

    Nakilala umano ng mga magulang ang bata dahil sa suot nitong damit.

    Sinabi sa Funeraria Tongol sa Dinalupihan na nakasuot ng shorts at sando ang bata na alsado na ang katawan.

    Tumatawid sa sapa si Dorina kasama ang kapatid na si Mary Joy, 3 at inang si Raquel na kalong ang anak na isa at kalahating taong gulang nang biglang lumakas ang tubig. Nakabitiw ang magkapatid sa pagkakahawak sa ina at inanod ng malakas na tubig.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here