BALANGA City: Tumanggap ng environmental award ang Bataan, bayan ng Samal at Barangay San Antonio sa bayan ng Bagac sa environmental summit na ginanap sa Clark, Pampanga noong Lunes, June 26, 2023.
Pinarangalan ang Bataan, sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office, bilang outstanding province in sustainability of ecological solid waste management.
Nakamit naman ng bayan ng Samal ang parangal sa pagkakaroon ng excellent management in the operation of Materials Recovery Facility.
Mismong si Samal Mayor Alex Acuzar ang tumanggap ng parangal kasama si municipal environment and natural resources officer Arnel Cantor at si Sherlotte Dizzey.
Natamo naman ng San Antonio ang parangal para sa outstanding barangay Materials Recovery Facility.
Ang mga parangal ay iginawad ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources sa Region 3.