Home Headlines Bataan port nagsimula na sa crew change operations

Bataan port nagsimula na sa crew change operations

991
0
SHARE

Bumababa ang mga seafarers mula sa tugboat na sumundo sa kanila. Kuha ni Ernie Esconde



ORION, Bataan
Nagsimula na ngayong Sabado ang Port Capinpin dito bilang change crew operations hub na sinasabing kauna-unahan sa labas ng Metro Manila kung saan ang mga seafarers na tapos na ang kontrata ay bumababa ng barko at pumapalit naman ang mga bago.

Ang unang naserbisyuhan ay 10 ship crew na pababa at 11 kapalit naman sa cargo vessel na MT Alpine Liberty na may registry sa Marshall Islands sa Majuro na galing sa Dalian, China.

Sinalubong ng masigabong palakpakan ang 10 marinong bumaba mula sa sumundong tugboat sa kanila.

Ayon kay Undersecretary Raul del Rosario ng Department of Transportation, ang isinagawa nila ay seafarer’s crew change bilang pag-alinsunod sa commitment ng Pilipinas na sumusuporta sa green lane protocol.

Ito, aniya, ay protocol na international na kung saan pina-facilitate ang pagpapalit ng seafarers crew. Limited lang daw ang stay ng crew sa barko na kapag expired na ang kontrata nila ay dapat nang magpalit.

“Kaya dito sa Port Capinpin naitatag itong crew change hub kung saan ang mga cargo ship dito magpapalit ng mga seafarers. Ang mga expired na ang kontrata bababa at sasakay naman ang mga bagong seafarers,” paliwanag ni del Rosario.

Sinabi ni del Rosario na sa Port Capinpin din umano gagawin ang OneStop Shop Covid-19 protocols“Pagbaba ng seafarer, sisiguraduhin nating wala silang dalang virus at dadaan sila sa examination ng Bureau of Quarantine at sa RT-PCR swab test dito mismo sa port.”

Sasailalim umano sa quarantine ang mga bumaba sa barko hanggang lumabas ang result nila. Na kung negative ay saka pa lang sila makakauwi sa mga pamilya nila at kung positive naman, may mga protocol pa rin ang BOQ kung saan dadalhin sila sa mga isolation o treatment facility.

Sinabi ni del Rosario na ganito rin ang gagawin sa mga bagong sasampa sa barko. Iipunin sila sa Manila tapos mag-uundergo sila ng test bago pumunta sa Port Capinpin at pagdating dito ay susuriin ulit ng BOQ.

“Kukunin ang result ng test nila, titingnan ang temperature at medical history nila para siguraduhin na wala din silang dalang virus,” sabi ng Usec na administrator ng OneStop Shop.

Sinabi ni del Rosario na sa OneStop Shop, ang Bureau of Immigration ang mag-aayos ng lahat ng mga travel document ng mga marino kung saan nandoon din ang mga ship agents at licensed money agencies na magpafacilitate ng lahat ng mga pangangailangan ng seafarers na pasampa at pababa at iba pang mga requirements.

Sa lahat ng point of entries, magtatatag tayo ng OneStop Shop para mabantayan ang pagpasok ng Covid-19 at ito ay pinamumunuan ng DOTr. Ang utos sa atin nSec. Arthur Tugade ay gawing convenient, mabilis at tugma sa IATF protocols ang ipapatupad natin, sabi ng Usec.

Sinabi naman ni DOTr Asst. Sec. for Maritime Narciso Vinzon na bubuksan ang mga pantalan para sa mga seafarers dahil masyado nang congested sa Port of Manila.

“Magbubukas din sa Cebu, Batangas at Davao sa Mindanao pero iniisa-isa natin yan alinsunod sa patakaran ng IATF na ma-insure ang health protocols. So ito ay binabalanse natin ang kalusugan saka ekonomiya para mapapauwi natin ang mga Filipino seafarers, sabi ni Vinzon.

“Kailangan natin sila pauwiin pero without compromising of course the health protocol that is being implemented by the government, dagdag pa nito.

Ipinaliwanag naman ni Port Capinpin manager Allan Rojo na sinusunod nila ang mga protocol for health and safety ng mga seafarers.

“Ang role namin dito ay tingnan ang safe at mabilis na disembarking ng mga seafarers in accordance with the health protocols dictated by the IATF through its resolution and also in compliance with the regional IATF imposed by the province of Bataan, ani Rojo.

Patuloy, aniya, ang construction ng quarantine facility sa loob ng Port Capinpin. Ngunit habang hindi pa ito tapos, ang mga bumabang seafarers ay mananatili sa isang temporary quarantine facility habang hindi lumalabas ang resulta ng kanilang swab test.

“Pagdating ng kanilang resulta, kung negative uuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Kapag positive, we have a designated isolation facility for that purpose. So lahat pag-positive, ang mamahala noon BOQ na, dadalhin na sa isolation facility.” sabi ng port manager.

Sinabi ni Larry Cendaña, Philippine Coast Guard Station commander, na ang role ng coast guard ay to make sure na safe ang dadaanan ng barko, walang hazard sa navigation at pangalawa, sila ang nagtsetsek at sinisigurado na ang mga papeles na ginagamit ng barko o tugboat na ginamit ay accredited ng Marina at walang mga expired na documents.

“Sa triage facility, ang coast guard ang naatasan na ma-insure na smooth ang process ng swab test at sila din ang magpapadala hanggang makarating  sa molecular lab at ma-insure ang mga seafarers ay makarating sa kanilang mga quarantine facility at mamonitor sila na nagoobserve  ng protocols,” sabi ni Cendaña.

Wala namang nakikitang problema si Puting Buhangin barangay chairman Danilo Arsenio sa designation ng Port Capinpin bilang crew change hub.

Ang Port Capinpin ay matatagpuan sa Puting Buhangin sa Orion.

Hindi naman daw sila natatakot na mahawahan sila ng virus mula sa mga seafarers dahil safe naman daw ang kanilang lugar batay sa paliwanag ng DOTr, BOQ, at Department of Health.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here