Bata nasagasaan, patay

    252
    0
    SHARE

    CANDELARIA, Zambales –Dead on arrival sa ospital ang isang pitong taon na batang lalaki makaraan itong masagasaan ng Elf truck sa Barangay Uacon sa bayang ito.

    Kinilala ni Inspector Ramil Menor, hepe ng Candelaria police, ang biktimang si Cristian Badion, 7, grade ll pupil at residente ng Barangay Uacon.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa shoulder ng kalsada ang biktima at papatawid na ito nang siya namang paparating ang Isuzu Elf (RNW-321) na minamaneho ni Danilo Abarra, 49, residente ng Sto. Domingo, Sual, Pangasinan.

    Ang biktima ay kaagad na isinugod sa Candelaria District Hospital, subalit binawian kaagad ito ng buhay.

    Ang suspek ay detinido sa Candelaria Police detention cell at ipinagharap na sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here